^

PSN Opinyon

Hindi makatwirang karapatan

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Kaso ito ng mga ari-arian nina Carding at Nita at isa sa kanilang anak na si David na dinidinig ng Korte bilang mana (estate­ proceeding). Puwede bang makialam sa nasabing kaso ang biyuda ni David. Ito ang sasagutin sa kasong ito.

May anim na anak sina Carding at Nita na ang bunso ay si David at may asawang nagnga­nga­lang Emma. Unang­ namatay si Nita sa kani­lang pamilya, at nag-iwan siya ng huling habilin at testamento. Makaraan ang apat na taon, si David naman ang namatay una pa sa kanyang tatay na si Carding. Noong namatay si David, napawalang bisa na ang kasal niya kay Emma. Pagkaraan pa ng pitong taon si Carding naman ang namatay.

Nagsampa ng petis­yon sa Regional Trial Court (RTC) ang dalawa pang anak ni Carding at Nita, na sina Naty at Mila upang opisyal na patunayan ang mga huling habilin at testamento ng kanilang magulang. Pagkaraan ay sumama na rin si David sa petisyon. Kaya ginawad na ng RTC ang pe­tisyon at hinirang si Danny na anak ni David bilang tagapangasiwa ng mga ari-ariang naiwan nina Carding at Nita.

Pagkatapos mahirang­ si Danny bilang tagapa­ngasiwa, nagsampa naman ng mosyon si Carla na “living-in” partner ni David at makialam na rin sa kaso. Sabi ni Carla na siya raw ay lehitimong asawa ni David sapagkat sila’y kinasal na bago mamatay ito. Dagdag pa niya, may karapatan siyang makialam dahil si David ay isa sa mga lehi­timong anak nina Carding at Nita.

Ngunit hindi ginawad ng RTC ang mosyon ni Carla. Kaya umapila siya sa Court of Appelas (CA). Pinaboran ng CA si Carla. Ayon sa CA dapat payagang makialam si Carla sa proseso ng patuna­yang opisyal ang mga huling­ habilin at testamento ng mga magulang ni David dahil siya ang biyudang asawa nito kaya siya ay may interes sa bahaging mamanahin ni David. Tama ba ang CA?

Mali sabi ng Supreme Court (SC). Sabi ng SC walang karapatang magmana si Carla sa mga ari-arian ng ama ni David na si Carding dahil unang namatay si David kay Car­ding. Yung mga anak lang ni David ang magmamana sa ari-arian ni Carding na lolo nila. Bukod dito hindi naman siya kamag-anak ni Carding sa dugo kundi sa kasal lang, at panga­lawa, ang karapatan ni Carla bilang biyuda ni David ay tinutulan din ni Danny dahil noon daw siya ay ikasal kay David, may iba siyang asawa at di pa napapawalang bisa ang kasal niya dito (Tirol vs. Nolasco G.R. 230103, August­ 27, 2020).

vuukle comment

EMMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with