^

PSN Opinyon

Sinong hindi maiinis?

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nakapagtataka ang kalakaran sa gobyerno lalo na kung pera ang pinag-uusapan. Magsisimula na sa Senado ang pagsiyasat ng budget ng lahat ng ahensiya ng gobyerno, kasama na ang kontrobersyal na confidential at intelligence funds. Pero kailangan kong banggitin ang pagbawas ng budget ng ilang ahensiya, ospital at paaralan.

Binawasan ng P329 milyon ang budget ng Philippine Science High School (PSHS); Food and Nutrition Research Institute, P49.1 milyon; Advance Science and Technology Institute, P60.9 milyon; National Academy of Science and Technology, P23.8 milyon; National Research Council of the Philippines, P23.6 milyon, at iba pa.

Mapapansin na karamihan ng ahensiyang binawasan ng pondo ay may kinalaman sa pananaliksik sa agham at teknolohiya. Ang iba pa nga ay may kinalaman sa agrikultura at pagkain. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagbawas ng pondo sa isang batikang paaralan kung saan nagtapos ang maraming matatalinong bata. Pero hindi lang PSHS ang binawasan ng pondo.

Tatlumpu sa 117 State Universities and Colleges (SUCS) ang binawasan ng pondo. Pinamalaking binawasan ay ang University of the Philippines, P2.9 bilyon; Mindanao State University, P2.3 bilyon; Mariano Marcos State Unversity, P1.5 bilyon; Eastern Visayas State University, P1.3 bilyon; Central Bicol State University of Agriculture, P1.2 bilyon at marami pa. Ang SUCS ay mga paaralan kung saan malaking bahagi ng matrikula at programa ang sinasagot ng gobyerno.

Pati mga ospital ay babawasan ng pondo. Ang National Kidney and Transplant Insitute (NKTI) ay babawasan ng kalahating bilyong piso. Ang Philippine Heart Center, P300 milyon; Lung Center of the Philippines, P274 milyon at Philippine Children’s Medical Center, P700 milyon. Pati ang Department of Health (DOH) ay binawasan ng P10 bilyon ang budget.

Lahat iyan sa kabila nang malalaking confidential at intelligence funds ng Office of the President, Office of the Vice President, Department of Defense, Philippine National Police at Department of Education. Ang mga pondong iyan ay hindi na sakop ng masuring pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) kaya hindi malalaman ng publiko kung saan ginamit.

Hindi ba mahalaga sa mga mambabatas ang edukasyon at kalusugan ng publiko? Hindi ba mahalaga sa kanila ang pananaliksik na maaaring makatulong sa maraming sektor tulad ng agham at teknolohiya, pati na rin sa agrikultura?

Ang utang ng PhilHealth sa mga ospital ay P27 bilyon. Nangako na babayaran sa loob ng tatlong buwan. Pero sa kabila niyan, nakatanggap ng tripleng pagtaas ng sahod ang executives ng PhilHealth, na utos umano ni dating President Rodrigo Duterte sa panahon pa ng pandemya kung saan libu-libo ang nawalan ng trabaho.

Ang tatamaan ng lahat ng pagbawas ng pondong ito ay ordinaryong mamamayan at mag-aaral. Sana naman siyasatin nang husto ang mga binawasang budget lalo na sa mga paaralan at ospital.

Sino ang hindi maiinis sa ganyang kalakaran?

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with