^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pati mesa at silya kulang din sa public schools

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pati mesa at silya kulang din sa public schools

Taun-taon sa pagbubukas ng school year, laging­ problema ang kakulangan ng classrooms sa mga pampublikong eskuwelahan. Kahit minsan, hindi nagkaroon ng school opening na walang reklamo sa ka­ka­pusan ng silid aralan. Isang malaking problema na hindi malutas ng Department of Education (DepEd). Marami nang naging kalihim ng DepEd pero ang problema sa classroom shortage ay hindi masolusyunan. Sa mga nakaraang taon na pagbubukas ng klase, dahil sa kaka­pusan ng classroom, may nagka­klase sa ilalim ng punong mangga at mayroon sa lobby ng school. At ang pinakagrabe, mayroong nag­daraos ng klase sa comfort room. Nilinis ang kubeta at doon nagklase ang mga estudyante. Wala nang ibang pagpipilian.

Pero bukod sa kakulangan ng classroom, lumutang din ang kakulangan sa mesa at mga silya na gagamitin­ ng mga estudyante. Ang problema ay natuklasan noong Martes (Agosto 29) na simula ng school opening. Mara­ming estudyante ang nanatiling nakatayo at ang iba ay sumalampak sa semento dahil sa kawalan ng silya at mesang sulatan.

Sa isang public school sa Rodriguez, Rizal, nag-ambag-ambag ng pera ang mga magulang ng mga estudyante para may maibili ng plastic na silya at mesa na gagamitin ng kanilang mga anak. Ayon sa president ng Parents-Teacher Association ng San Jose Elementary School, may mga magulang na hindi muna bumili ng kanilang maintenance na gamot para lang may maiambag at nang makabili ng plastic na silya at mesa.

Siksikan din ang mga estudyante sa nasabing public­ school kung saan ang bawat room ay 80 bata ang pinag­kakasya. Isa rin sa problema sa eskuwelahan ay ang mga dispalinghadong comfort room na walang lumalabas na tubig sa gripo.

Problema rin ang kakapusan ng classrooms sa Ba­tasan Hills National High School kung saan, 54 na class­rooms ang kinakailangan dahil sa pagdagsa ng enrollees. Ayon sa principal ng nasabing public school, lumobo ang mga nag-enroll sa 18,300. Noong nakaraang taon, 17,900 lang umano ang kanilang enrollees.

Lumalala ang problema sapagkat bukod sa classrooms, kulang din pala ang mga upuan at mesa. Sa nang­yayaring ito paano maisasaayos ang pag-aaral ng mga bata kung hindi maayos ang pasilidad ng public schools. Maraming batang Pilipino ang napag-iiwanan sa maraming larangan. Mahinang makaintindi at hindi makasabay sa ibang bata. May mga bata na hindi marunong bumasa at sumulat gayung nasa tamang gulang na.

Marahil ang kakulangan sa pasilidad at ang pagsi­siksikan sa classrooms ay isa sa mga dahilan kaya mapurol ang mga bata. Ang problemang ito ay nararapat solusyunan ng DepEd.

vuukle comment

CLASSROOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with