^

PSN Opinyon

Trabaho, hirit ng kubrador ng sugal lupa kay BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Iindahin ng mga mahihirap na Pinoy, lalo na ang mga kubrador ng sugal lupa, ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo­ ng gasolina. Sa huling sulyap ng Dipuga kahapon­, ang Diesel ay nasa P62.72, ang Extra sa P64.04 at ang XCS sa P65.54. Matic naman ‘yan na kapag tumaas ang presyo­ ng gasolina ang mga bilihin sa palengke, tulad ng isda, karne at iba pang pangangailangan ng mga Pinoy ay mag­lundagan din pataas. Hindi lang ‘yan! Maging ang mga tsuper ng pam­publikong sasakyan ay mag-aalboroto rin tiyak. Mismooooo!

Kaya ang mga Pinoy ay nakatingala lahat kay President Bongbong Marcos kung paano niya mareresolba ang prob­le­mang dulot ng mataas na bilihin. Eh di wow!

Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang tatamaan ng matindi ay itong mga kubrador ng sugal­ lupa, dahil sa “no take policy” ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ay nawalan sila ng pagkakitaan. Dahil sarado ang mga sugal lupa dahil sa pang­­haharabas ng mga Gcash Boys, walang ibang pagkakitaan ang mga kubrador para may pangtustos sa pagkain ng kani­lang pamilya. Eh wala rin namang maibigay na trabaho sa kanilang ang gobyerno ni BBM. Tsk tsk tsk!

Ang ibang kubrador ay paubos na rin ang konting ipon at hindi sila masisisi kung mapunta sila sa kriminalidad o magtulak ng droga para kumita. Araguyyyyyy! Hehehe! Maaring aani ng pogi points si Nartatez sa “no take policy” niya subalit may kapalit pala na mas malala pang problema. Dipugaaaaa!

Ang mga kubrador ng sugal lupa mga kosa ay kumikita ng P35 sa bawa’t P100 na makubra nila sa palarong lotteng, ending, EZ2 at iba pa. Kaya kung sa bawa’t bola ng palaro ay makakubra sila ng P1,000, matic na may P350 sila at sapat na ito sa maghapong budget nila sa pagkain.

Kaya’t mas ginugusto ng mga kubrador ng sugal lupa na mangubra sa illegal gambling dahil mas malaki ang kita kumpara sa Small Town Lottery (STL) na 10 percent sila sa kubransa nila. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

At itong Gcash Boys ay nag-iba na rin ng estilo sa kanilang raket para hindi sila mahalata. Imbes na mga pulis ang haharap sa mga huli nila, ang ginagamit nila sa ngayon ay mga sibilyan. Abayyyyy iwas pusoy din itong mga Gcash Boys ni  Lt. Col. Allen Tuburan. Dahil nga kapag may nagreklamo laban sa mga bataan ni Tuburan, kahit buong roster of personnel ng RSOG pa ang ipaline-up, walang maituro ang complainant sa kanila. Maganda rin itong naisipan ni Tuburan na depensa, ‘no mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Ano pa nga ba.

Ang ipinagtataka ng mga kosa ko ay kung bakit inuuna ng mga bataan ni Nartatez ang pasugalan imbes na mga malalaking kaso para naman may ipagyabang na accomplishment ng amo nila. Pati ba naman accomplishments ng limang police districts eh pinakikialaman na ng NCRPO dahil hindi naman nakakabilib na accomplishments ang illegal gambling. Mismooooo!

Kapag tumaas ang kriminaldad at problema sa droga sa Metro Manila, alam n’yo na ang dahilan mga kosa ha? Dipugaaaaa! Abangan!

GASOLINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with