Tips ngayong AuGhost Month 2023
Itinuturing ang Agosto 16 hanggang Setyembre 14 bilang ghost month ngayong taon. Naniniwala ang mga Tsino at mga naniniwala sa Feng Shui na tuwing ghost month, malayang nakagagala ang mga gutom na kaluluwa na nagdadala ng malas, at binubuyo ang mga taong gumawa ng masama.
Dahil dito, naniniwala rin sila na malas ang magbukas ng bagong negosyo, pumirma ng kontrata, lumipat ng bahay, magpakasal, at maging ang maglakbay dito sa bansa o abroad kapag ghost month.
Ilang Chinese Zodiac sign naman ang sinasabing mas malas kaysa sa iba ngayong ghost month: kabilang dito ang ipinanganak sa year of the dragon, rat, rooster, at horse.
Ngunit sa Pamilya Talk, AuGHOST special episode, tiniyak ng Feng Shui expert na si Master Ang sa publiko na may mga paraan para mabawasan ang epekto ng ghost month at ilayo, hindi lang ang masasamang espiritu, kundi pati na rin ang bad vibes mula sa iyo at sa inyong pamilya.
Panalangin pa rin ang pinakamabisang lucky charm. Ang positibong pag-iisip na pinatitibay ng panalangin ay sinasabing isang tiyak na paraan upang maitaboy ang masasamang espiritu.
Mayroon ding mga praktikal na paraan upang mabawasan ang malas, lalo na sa ghost month. Ang paglalagay ng maliit na pakete ng asin sa lahat ng oras sa inyong mga bag o bulsa. Maaari ka ring maglagay ng asin sa harap ng bintana, pintuan sa harap ng bahay, o sa lahat ng bukasan ng inyong bahay o establisyemento upang pigilan ang pagpasok ng mga gutom na espiritu.
Dapat palaging nakabukas ang ilaw lalo na sa gabi. Sa buong ghost month, hindi rin dapat magsuot ang mga tao ng itim na damit dahil sinasabing nakakaakit ito ng masasamang espiritu.
Nagbigay din siya ng mga paalala sa bawat Chinese zodiac sign ngayong ghost month.
Sa mga ipinanganak sa taon ng Tiger, Snake, at Dragon (na kilalang agresibo) -- lumayo sa gulo at panatilihing malamig ang pag-iisip. Pinayuhan naman ni Master Ang ang mga ipinanganak sa year of the Snake na umiwas sa pagiging tsismoso at tsismosa.
Ang mga ipinanganak sa year of the Pig at Goat (na umano’y madaling utuin at manipulahin) ay dapat panatiliing malakas ang pag-iisip at mas matibay ang paninindigan.
Pinapayuhan naman ang mga taong ipinanganak sa year of the Monkey (na kilalang tuso) na pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay lalo na sa paggawa ng mga desisyon dahil sila ay madaling maiisahan sa panahon ng ghost month.
Ang ibang zodiac signs ay hindi gaanong apektado ngayong ghost month at pinapayuhang magdasal na lang at panatilihin ang positibong pag-uugali.
Sa huli, sinisiguro ni Master Ang na walang lucky charm ang maaaring magdala ng suwerte kung hindi tayo kikilos para maabot ang ating mga layunin. Pinakamainam pa rin na tratuhin ang bawat buwan na parang ghost month -- laging manalangin, manatiling positibo ang pag-iisip, lumayo sa gulo at maging masigasig.
--
Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook, YouTube at Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter and Kumu. Iparating ang inyong mga tanong at suhestiyon, at sumulat sa [email protected].
- Latest