^

PSN Opinyon

Buwis pa sa junk food, okay ‘yan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Naging comfort food na ng mga tao ang sitsirya o “junk food”. Hindi lang maliliit na bata kundi pati na ang mga nakatatanda na kagaya ko ang nahuhumaling dito. Sa tulad ko, too late na nang aking malaman na may sakit na pala ako sa bato dahil sa labis na pagkain ng junk food. Sobra kasi ang asin na taglay ng mga ito. Masarap ngumata ng potato chips habang nag-iisip ng paksang susulatin. Sa labis na carbohydrates at sodium na taglay nito, hindi lang bato ang naaapektuhan kundi pati puso dahil ang taong mahilig kumain nito ay nagdaranas ng obesity.  Hindi lang potato chips kundi maraming uri ng sitsirya gaya ng prawn cracker, kropek, fish crackers at iba pa.

Hindi natin marahil batid na maituturing ding masamang bisyo ang mga ito dahil kapag nasimulan mong kumain, hindi na mapigil ang kamay sa pagdakot sa supot. Masarap eh. Suportado raw ng Department of Health ang panukala ng mga mambabatas na dagdagan ang umiiral na buwis sa junk food. Posibleng mabawasan nang malaki ang mga tumatangkilik sa mga junk food kung tataas ang halaga ng mga ito. Pero may duda ako kung mababawasan nga. Tinaasan ang tax sa sigarilyo at alak pero marami pa ring nagyoyosi at umiinom ng alak. Minsan nga, may pulu­bing kumatok sa sinasakyan kong kotse at nagpapalimos. Hindi ko inabutan dahil naninigarilyo ang damuho. Otsenta pesos isang kaha ng yosi na may 20 sticks. Lumalabas na P4 bawat stick. Kung lilimusan ko ang pulubi, parang nag-ambag ako sa kapahamakan niya.

Pero okay sa akin ang dagdag na tax sa bisyo at sitsirya. Iyan ay kung ang bahagi ng malilikom na buwis ay gagamitin­ sa pagpapagamot sa mga taong dinapuan ng sakit dahil sa pagtangkilik sa mga produktong ito. Kapag bisyo kasi, mahirap nang awatin iyan dahil parang naging pandugtong-buhay na ng tao. Kung may titigil dahil sa taas ng presyo, mas mabuti. Pero kung sa kabila nang pagtaas ng presyo ay hindi pa rin maawat ang tao, problema na niya ‘yon. Ang mahalaga, magkaroon ng pondo para sa mga taong iginupo ng sakit bunga ng mga masa­samang bisyo at pagkain ng sitsirya, lalo sa mga mahihirap. Sa­bihin mang­ problema nila ‘yun dahil sila ang dahilan ng kani­lang pagkakasakit, hindi pa rin ubrang pababayaan na lang ng pamahalaan na sila’y mamatay. Napakaraming mahirap na may sakit sa bato na nanga­ngailangan ng dialysis. Sa sobrang mahal, maraming namamatay na lang.

Ngunit mas mainam siguro kung kagaya nang nakatatak sa pakete ng sigarilyo, obligahin din ang mga pabrikante ng sitsirya na maglagay sa pakete ng babala na ang pagkain ng sobrang sitsirya ay masama sa kalusugan. Maaaring may tumutol sa panukalang itaas ang tax sa junk food tulad ng manufacturers. Pero dapat nilang isipin ang perwisyo sa kalusugan na idinudulot ng produkto lalo sa mga bata na musmos pa lang, parang bola na ang katawan sa katabaan.

SIGARILYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with