^

PSN Opinyon

Kalaboso si mister pati pangalawang misis

IKAW AT ANG BATAS! - Atty.Jose C.Sison - Pilipino Star Ngayon

Sina Jun at Nita ay nagpakasal may 34 na taon na ang nakalipas. Pagkaraan ng 17 taon at matapos magkaroon ng dalawang anak ay iniwan ni Jun ang kanyang tahanan at lumipat sa ibang bayan para maghanap ng trabaho. Bandang huli ay iniwan niya ang kanyang asawa at nadiskubre na lang ni Nita na nakikisama na pala ang kanyang mister kay Linda pati nagpakasal ang dalawa may apat na buwan na mula nang inabandona ni Jun ang kanyang mag-iina.

Kaya kinasuhan ni Nita sina Jun at Linda sa krimen ng bigamya. Sa arraignment ay itinanggi nina Jun at Lina ang paratang pero inamin nila ang pagpapakasal habang umiiral ang unang kasal ni Jun kay Nita. Ang palusot nila ay hindi sila puwedeng ikulong dahil naging Muslim muna daw sila bago nagpakasal.

Pero ayon sa RTC, nagkasala pa rin ang dalawa sa krimen ng bigamya at hinatulan sila na makulong mula 6 na buwan at 1 araw hanggang pinakamatagal na ang 6 na taon at 1 araw. Ang dahilan ng korte ay hindi raw magagamit ang batas ng mga Muslim sa sitwasyon nila dahil si Nita na siyang biktima sa kaso ay hindi naman Muslim. Kinatigan ng Court of Appeals ang hatol ng RTC. Maliban daw at malusaw ang kasal sa ilalim ng Civil Code ay saka pa lang muling makakapag-asawa ang isa sa kanila. Isa pa, dapat managot sa bigamya ang kung sino man ang muling magpapakasal. Tama ba ang RTC at CA?

Tama, ayon sa SC. Ang isang Partido na lilipat sa kanyang relihiyon at magiging Muslim at pagkatapos ay magpapakasal habang umiiral pa ang kanyang unang kasal ay nagkakasala sa krimen ng bigamy. Pati ang kanyang pinakasalan ay hindi makakalusot sa pananagutan. Ang klase, epekto at insidente na nagpakasal si Jun ay pasok sa mga sirkumstansiyang inilahad sa Civil Code. Kahit pa ang batas [Art. 13 (2)] ng mga Muslim (Muslim Code) ay nagdidikta na ang Civil Code ang dapat na sundin kapag hindi naman mga Muslim ang magpapakasal at hindi ritwal ng mga Muslim sa pagpapakasal ang sinunod nila.

Nang lumipat si Jun ng kanyang relihiyon at naging muslim kahit pa ginawa niya ito bago ang kasal o pagkatapos ang kasal kay Linda ay pasok pa rin ito sa krimen ng bigamya. Hindi siya makakalusot gamit ang Art. 180 ng Muslim Code dahil lalabas na kinukunsinti pa ang ginagawa niyang pag-iwas sa batas. Ang pangunahing layunin pa man din nito ay ang pahalagahan ang ating mayamang kultura.

Ang batas ng mga Muslim ang kanilang sinusunod lalo tungkol sa kanilang pagpapakasal, kung ito man ay sa pagitan ng isang Muslim at isang hindi Muslim o kaya ay isang lalaki na sumapi sa relihiyon ng Muslim bago naging batas ang Muslim Code. Pati parusa na may kinalaman sa kasal ng mga Muslim ay nakasaad dito.

Ang Civil Code ay ang umiiral na batas na siyang sinusunod matapos mabago ang Family Code. Ito ang sinusunod lalo kung hindi naman sinunod ang ritwal ng kasal ng mga Muslim pati tungkol sa kasal ng isang Muslim at isang hindi Muslim. Ang mga krimen na may kinalaman sa kasal sa ilalim ng Civil Code ay pinarurusahan ayon sa ating Revised Penal Code at iba pang espesyal na batas.

May mga kondisyones bago magpakasal sa ilalim ng batas ng mga Muslim. Aminado tayo na dapat ihiwalay ang batas ng gobyerno at simbahan pero hindi rin naman maitatanggi na ang Muslim Code ay paglalagay lang sa papel ng mga umiiral na tradisyon at kultura na magmula pa noon ay sinusunod na talaga ng mga Muslim.

Kung ang isang lalaking Muslim ay nagpakasal bago pa ipinatupad ang Muslim Code ay hindi siya makakasuhan alinsunod ng Art. 180 ng nasabing batas.

Pero ayon naman sa Art. 3 ng nasabing batas, hindi ito puwedeng gamit sa isang hindi Muslim. Kung tutuusin din, kawawa naman ang asawa ng isang tulad ni Jun kung patatakasin sa pananagutan sa batas dahil lang pinayagan siya na lumipat ng kanyang relihiyon.

Malinaw din na nakasaad sa Art. 186 ng Muslim Code na pasulong ang aplikasyon ng batas. Ibig sabihin ay hindi ito magkakaroon ng epekto sa mga nauna natin na batas bago umiral ang Muslim Code. Kaya ang resulta ay hindi rin mabibigyan si Jun ng proteksyon kahit pa lumipat siya ng relihiyon dahil nga may nauna na talaga siyang kasal.

Inulit mabuti na walang pagkakamali sa aplikasyon ng ating mga batas. Kahit ang Art. 13 (2) ng Muslim Code ay nagsasaad na Civil Code ang susundin sa mga kasal na hindi sangkot ang isang Muslim at hindi ritwal ng kasal ng Muslim ang sinunod. Kaya hindi makakalusot si Jun at Civil Code pati Revised Penal Code ang susundin sa kanyang sitwasyon.

Nang lumipat si Jun ng kanyang relihiyon at naging Muslim pagkatapos ay nagpakasal kay Linda ay tunay na nagawa niya ang krimen ng bigamy.  Hindi siya makakatakas dahil lang magtatago siya sa batas ng mga Muslim lalo sa Art. 1802 ng Muslim Code. Nararapat lang na pagdusahan niya ang kanyang ginawa dahil alam niya na kasal pa siya kay Nita.

Si Jun at Linda ay hinahatulan ng pinakamaikli ang dalawang taon at apat na buwan hanggang sagad na walong taon at isang araw na pagkakulong (Malaki and Salamatin-Malaki vs. People of the Philippines, G.R. 221075, November 15, 2021).

RTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with