^

PSN Opinyon

Sino ang nagsasabi ng katotohanan?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala ang nangyayari sa gobyerno sa magka­kaiba nilang pahayag sa mga nangyayari kontrobersiya­. Dapat ang pamahalaan ay nagkakaisa ng pananaw at disposisyon.

Sa balita kamakailan, kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong si DILG Secretary Benhur Abalos sa pahayag ng huli na tangkang cover-up ng ilang opisyal ng Philippine National Police sa nakumpiskang P6.7 bilyong halaga ng shabu noong isang taon. Dito’y isinasangkot ang ilang mataas na opisyal ng PNP.

Sa usaping ito, nagpakita pa ng CCTV footage si Abalos na umano’y dalawang opisyal ng PNP Drug Enforcement Group ang nagtangkang iligtas si Police MSgt Rodolfo Mayo Jr. na umano’y kasabwat ng mga nagpuslit ng 990 kilos ng shabu.

Para kay Magalong, sa pagsusuri niya sa footage, wala siyang nakitang tangka ng mga opisyal na sagipin ang sus­pek at iba pang kasama nito. Para kay Magalong, kontra siya sa sinabi ni Abalos na may cover-up.

Sa paningin ko, kapwa walang masamang reputasyon­ sina Abalos at Magalong. Kaya sa harap ng kontrober­siya­­, kaninong pahayag ang dapat paniwalaan? Nakalilito kapag ganito ang takbo ng pamahalaan.

Dapat marahil, bago humarap at magsalita sa media­, magkasundo muna ang lahat ng opisyal at ahensiya ng pamahalaan sa nagkakaisang tinig na dapat isiwalat. Lumi­litaw kasi na ang gobyerno ay binubuo ng mga taong hindi nagkakasundo. Put you act together!

BENJAMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with