^

PSN Opinyon

Private armies matandang problema

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Mula nang ako’y isang paslit, problema na sa bansa ang private armies ng mga pulitikong nais maghari-harian sa mga lugar na kanilang nasasakupan. Sa kabila ng pagta­tangka ng mga nakaraang administrasyon na supilin ito, naririyan pa rin ang salot.

Higit na masahol noong dekada ‘60 nang ang hidwaan ng mga pulitiko ay umaabot sa panununog ng buong barangay. Nang maging Presidente si Marcos Sr. at gawin niyang nationalized ang pulisya na tinawag na Integrated National Police (INP) ay lalong naging grabe ang sitwasyon.

Mga pulis na mismo ang naging private army ng mga lokal na opisyal na ibig maghari sa kani-kanilang lugar. Mabuti na lang at nawalan na nang direktang poder ngayon ang mga lokal na opisyal sa mga pulis. Pero hindi nagwa­wakas ang problema sa private army.

Ang asasinasyon kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na ang suspect ay si Congressmen Arnolfo Teves ay naglantad sa katotohanang naririyan pa rin ang halimaw na private army ng mga pulitiko. Marami umanong heavy firearms ang nasamsam sa raid na isinagawa ng pulisya sa bahay ni Teves na nagpapakita lang sa kanyang sphere of influence.

Sa ngayon, mukhang umiiwas sa hustisya si Teves sa patuloy niyang pagtangging bumalik sa Pinas para harapin ang kaso laban sa kanya. Siguro, siguro lang, isa lang si Teves sa marami pang pulitikong mayroong priba­dong sandatahang hukbo na ginagamit para manatili sa kapang­yarihan.

Ano pa kayang insidente ng karahasan ang dapat naganap para mailantad pa ang katiwalian ng ilan sa mga tinatawag na public servants? Huwag na sanang hintaying may naganap pang pamamaslang at ngayon pa lang ay tuntunin na at durugin ang mga sikretong private armies ng mga pulitikong alagad ni Satanas.

INTEGRATED NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with