^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa road rage

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA mga magsisipag-balikan sa Metro Manila ngayong papatapos na ang Semana Santa, patuloy na nagpapaalala ang BITAG.

Bago sumampa sa inyong mga sasakyan, siguraduhing nainspeksyon ito at nasa tamang kondisyon para sa mahabang biyahe.

Tiyakin na roadworthy at naipasilip sa mga eksperto bago gamitin. Na-tsek ang bawat parte ng sasakyan lalo na ang makina at preno.

Pinakamahalaga sa lahat,siguraduhin na mayroong tamang pahinga at sapat na tulog ang magmamaneho. Nasa tamang kondisyon ang katawan at mentalidad.  Huwag sasampa sa sasakyan ng mainit ang ulo. Ito ang kalimitang nagiging sanhi ng road rage.

Road rage ibig sabihin bayolenteng reaksiyon ng mga motorista tulad ng pagmumura, pangungutya, pananakit at madugong kompron­tasyon sa mga kapwa motorista.

Dala ng mainit na panahon at mataas na temperatura, maraming motorista ang madaling uminit ang ulo at mas maiksi ang pasensya.

Nangyayari ito sa mga drayber na wala sa kondisyong magmaneho lalo na kapag malayo ang destinasyon at walang sapat na pahinga o ‘di naman kaya may problemang dinadala. Idagdag pa ang masikip na lansangan at mabagal na daloy ng trapiko.

Kaya ang kadalasang nangyayari, sa lansangan at sa kapwa mga motorista sa daan naibubunton ang init ng ulo.

Paalala ng BITAG, kung malayuan ang biyahe, mas makabubuting umalis ng maaga sa bahay o sa pinangga­lingang lugar. Huwag nang magpatanghali pa o makisabay sa dagsa ng mga biyahero pabalik sa lungsod.

Mas masayang magbiyahe kasama ang pamilya nang hindi aburido o nagmamadali at walang hinahabol na oras patungo sa inyong destinasyon.

Higit sa lahat, para sa mga nagmamaneho, isipin ninyong hindi matinong magmaneho ang inyong mga kasabay na motorista at kayo lang ang marunong magmaneho sa lansangan.

Maging alerto sa buong panahon ng paglalakbay.

Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.

BITAG

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with