Si Ex-CIDG-NCR Col. Hansel Marantan pa rin ang nagpapatakbo ng naturang opisina? Humahangos kasing nagreport si kosang Balbon na hindi naman umaalis si Marantan sa CIDG-NCR. “Idol, hanggang sa ngayon si biskwit Marantan pa rin ang siga sa CIDG,” ani kosang Balbon. “Siya pa rin ang nagmamando at nangungulekta sa mga tangga sa mga palarong lupa,” ang dagdag pa niya.
Sinabi pa ni kosang Balbon na ayaw umalis ni Marantan sa CIDG dahil sa utos umano ni Interior Secretary Benhur Abalos. Eh di wow! Hehehe! Baka bumaba ang trust rating ni Abalos dito sa patuloy na paggisa ng kampo ni Marantan sa pangalan niya. Sabagay, matagal pa ang 2025 elections. Dipugaaaaa!
May punto rin si kosang Balbon dahil marami ang nagsasabing may mga kalalakihan na nag-iikot sa sugal lupa sa Metro Manila para humingi ng panggastos ni Marantan para sa biyahe sa Negros Oriental. Tsk tsk tsk! Totoo kaya ito? Baka naman walang basbas ito ni Marantan dahil sa totoo lang may sapat namang budget itong Task Force Degamo, di ba mga kosa? Hmmmm!
Si Marantan kasi mga kosa ang pinagkatiwalaan ni Abalos sa paglansag ng private army ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves at natural lang na suportahan niya ito ng sangkaterbang budget at hindi ‘yung galing sa sugal lupa, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Kaya’t hayun si Rep. Teves ay ayaw nang umuwi dahil tiyak SWAK siya sa imbestigasyon ni Marantan. Hehehe! Trabahador lang talaga si Marantan kaya marami ang naiinggit sa kanya, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa kasagsagan ng kaso ng Chinese na hinubaran ng mamahaling relos na Patek Philippe at Richard Mille, ni-relieve si Marantan at pinalitan ni Col. Santiago Pascual. Hindi pa nakabuo ng isang linggo si Pascual abayyyyy pinalitan din siya ni Col. Bayani Razalan, na kaklase ni Marantan sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class ‘98. Pero iginigiit ni kosang Balbon na walang bilang si Razalan dahil si Marantan pa ang bida sa CIDG-NCR. Eh di wow!
Ipinagmalaki pa raw ng mga nasibak na miyembro ng CIDG-NCR na dalawang linggo lang ay makakabalik sila sa puwesto. Araguuyyyyy! Ano ba itong nangyayari sa PNP? Dipugaaaaa! Palakasan system na naman?
Inaway ni Marantan ang No. 2-man ng PNP na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia dahil sa pagkalat ng balita ukol sa kaso ng 13 Chinese na sa bandang huli ay nag-deny to death na hinubaran sila ng mga operatiba ng CIDG. Hanggang kahapon, wala pang balita kung nagkabati na sina Sermonia at Marantan. Ano kaya ang masasabi ni PNP chief Gen. Junaz Azurin sa away ng bilas niya na si Sermonia at Marantan na sagradong bata ni Abalos? Hmmmmm! Abangan!