^

PSN Opinyon

Kalbaryo sa SFELAPCO

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Naku! Nagkalintik-lintik na!

Siguradong mala-impyernong init ang mararanasan ngayon ng mga residente ng San Fernando, Pampanga.

Paano ba naman kasi, sumabay pa sa tag-araw ang pagtataas na naman ng singil sa kuryente ng San Fernando Electric Light and Power Company (SFELAPCO).

Kaya ang mga taga-San Fernando, buwisit, galit. Ni hindi man lang daw kasi sila binigyan ng kortesiya sa public consultation bago ang power rate hike.

Kaya ayun, nakaabot ang kalokohan nila sa Senado. Sinupalpal sila ni Senator ‘Tol Raffy Tulfo sa senate hearing.

Ipinatawag ang mga opisyal ng power company kasi may panggugulang sa mga mamamayan sa Pampanga. Ang mga dumalo sa hearing nagkandaipot-ipot sa pagdadahilan kay Sen. ‘Tol Raf.

Mabuti sana kung maganda ang kanilang serbisyo. Ang problema, inirereklamo sila ng mga residente roon.

Mismong ang Energy Regulatory Commission (ERC) na ang nagsabi, sobra-sobra ang paniningil ng SFELAPCO. Kaya ang utos ng ERC, i-refund nila ang mga consumer dahil sa “excess charges” na nakolekta nila mula 2013 hanggang 2022.

Ang kakapal naman ng mga mukha nitong SFELAPCO. Hindi pa nga nakakapag-refund, magtataas pa ng singil.

Alam n’yo SFELAPCO, ang prangkisang ibinigay sa inyo ay isang prebilehiyo hindi karapatan. Kaakibat ng prangkisang iyan ang pananagutan na pagsilbihan nang maayos at kalidad na serbisyo ang mamamayan.

Problema sa inyo, konting kibot lang ng mga dismayadong pobreng residente, tatakbo agad kayo sa hukuman. May mga force majeure pa kayong nalalaman. Baka horse manure! Tumigil nga kayo sa mga kalokohan n’yo!

Walang pinagkaiba sa mga putok sa buhong kontratista sa gobyerno. Kapag natatalo sa bidding sa isang proyekto, tatakbo agad sa hukuman. Sinasadya nilang magsampa ng kaso para tumagal at masakripisyo ang kapakanan ng mga mamamayan. Estilo n’yo bulok!

O, San Fernando Electric Light and Power Company harapin n’yo ang mga umaaray na mga residente riyan. ‘Wag kayong tatakbo agad sa hukuman. Ginagawa ninyong basurahan ang hukuman.

SAN FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with