^

PSN Opinyon

Absuwelto sa iregularidad ang DPWH-BCDEO?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Inabswelto ng Commission on Audit-Cordillera Administrative Region (COA-CAR) ang DPWH-Baguio City District Engineering Office (BCDEO) mula sa akusasyong sub-standard ang P10.4 million road improvement project sa Bonifacio Road, Baguio City.

Nakasaad sa January 18, 2023 team report ng COA-CAR na nag-usisa sa proyekto, 100 porsiyentong nai­sagawa ang proyekto at tama lamang, hindi sobra ang P10.4 milyong pondo sa pagkukumpuni ng nasabing kalsada, isang tertiary road sa Central Business District ng siyudad.

May mga pagkukulang katulad ng hindi natanggal at nailipat ang mga poste ng kuryente, ilang hindi natapos na pang-ibabaw ng sidewalk, ilang kulang na grills sa manhole rainwater inlets, ilang kulang na concrete paving blocks, ilang sirang gutter at hindi maayos na pagkalihang rail edges.

Ngunit ayon sa team ng COA-CAR na pinamunuan ni Sherilyn Racquel Lamen, nakumpuni naman at naiayos lahat ang mga ito ng pribadong contractor.

Bagamat na-delay ng mahigit dalawang buwan ang proyekto, hindi isinama ang P36,374.10 sa kabuoang kabayaran bilang danyos sa pagkakaantala nito.

Walang seryosong depekto noong inispeksyon ang proyekto, ayon pa kay Lamen, sa kabila ng babala nitong responsibilidad ng contractor ang anumang lilitaw na depekto sa loob ng five year warranty period ayon sa government procurement law (RA 9184).

Samakatwid, sa mata ng COA bilang “competent authority” upang magsuri sa patrabaho ng national government ayon sa mandato ng RA 9184, malinaw na absuwelto ang BCDEO kasama ang pamunuan nito sa katauhan ni Engr. Rene Zarate mula sa mga akusasyong nakulimbat ang pondo na nagbunsod ng pagiging sub-standard nito.

Kung ano ang nakita ng Baguio City Engineering Office (BCEO), na departamento sa ilalim ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, bunsod ng kanyang pagpupuyos sa DPWH-BCDEO at pagpila ng kaso sa Ombudsman kontra sa kawani at pamunuan ng huli ay dapat matunton at masusing pag-isipan.

Mayroon bang mas malalim na dahilan ng pagpupuyos ni Magalong kontra sa BCDEO na nagbunsod na naman ng pangalawang reklamo nito sa Ombudsman kaugnay sa P88,099,659.56 road bridge sa Parapad Village, North Sanitary Camp Barangay papuntang Magsaysay Avenue (Network Development-Construction of By-pass and Diversion Roads: Magsaysay Ave. to Rimando Road-Ambiong bypass, including bridge and row, Baguio City) na diumano’y sub-standard din?

Ayon din sa COA-CAR, ang naumpisahang mahigit P88 milyong proyekto noong April 29, 2018 ay natapos ng 100 porsiyento noong August 21, 2019 ng dalawang pinagpipitagang contractor sa bansa—Tango Romeo General Construction at MG Lualhati Construction Corporation.

Walang anumang seryosong isyung nakita ang quality assurance unit ng DPWH-Central Office sa pagsusuri nito sa naturang tulay, sa mga obserbasyong sub-standard din ito.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

CONSTRUCTION CORPORATION

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with