^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunud-sunod na ambush

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sunud-sunod na ambush

Tatlong magkakasunod na pagtambang ang nangyari sa linggong ito. Pawang mga pulitiko ang naging target ng asasinasyon. Ang huling tinambangan ay si  Mayor Ohto Montawal ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur. Nangyari ang pag-ambush sa Roxas Blvd., Pasay City dakong alas singko ng hapon noong Huwebes. Galing sa isang meeting sa Manila Hotel ang mayor sakay ng van nang dikitan ng dalawang lalaking nakamotorsiklo at pagbabarilin. Tinamaan siya sa braso. Pagkatapos ng pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin. Dinala ang mayor sa ospital at nasa maayos nang kalagayan.

Ang nakapagtataka lang, wala man lang mga pulis na nakaresponde sa naganap na ambush. Ang lugar na pinangyarihan ay maraming taong nagdaraan at nagyayaot na sasakyan. Wala man lang nagpapatrulyang pulis. Nasaan ang sinasabing 24/7 na pagpapatrulya ng mga pulis sa matataong lugar. Kung may pulis sa lugar, hindi nakatakas ang mga salarin. Sa kasalukuyan, hinahanap pa ng mga pulis ang nagsagawa ng ambush.

Bago ang pag-ambush kay Mayor Montawal, inambus din si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong noong Pebrero 17. Nakaligtas ang governor subalit napatay ang kanyang apat na police escort. Makalipas ang dalawang araw, si Vice Mayor Rommel Alameda ng Aparri, Cagayan naman ang tinamba­ngan. Namatay si Alameda.

Bukod sa mga pagtambang, umaatake rin ang mga holdaper at pagkatapos holdapin ang biktima ay pinapatay pa. Tulad ng isang New Zealander na pinatay ng holdaper sa Makati City noong Linggo. Ang New Zealander ay nakilalang si Nicholas Peter Stacey. Dalawang lalaking nakamotorsiklo ang humoldap kay Stacey at sa nobya nitong Pinay. Kamakalawa, sumuko na ang suspek sa pagpatay kay Stacey na nakilalang si John Mar Manalo, 25.

Paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility upang mapigilan ang mga krimen gaya ng pag-ambush at panghoholdap. Kung regular na nagpapatrulya ang mga pulis, hindi agad-agad maisasagawa ng hired killers ang kanilang balak.

Karaniwang naghihigpit at saka lamang nagsasagawa ng pagpapatrulya at nagse-setup ng checkpoint ang PNP kapag may nangyari nang pagpatay. Dapat regular ang pagpapatrulya ng pulisya sa mga matataong lugar.

DATU MONTAWAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with