^

PSN Opinyon

Proseso sa pagkuha ng permit sa mga palengke, fully-automated na sa QC

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

PRAYORIDAD ko bilang mayor ng Quezon City ang good governance. Kaakibat nito ang pagpapadali ng iba-ibang serbisyo para sa mga mamamayan, katulad ng digita­li­zation ng mga aplikasyon para sa mga business at building permit. Ginawa na rin nating online ang proseso sa pag-a-apply ng scholarship, programang pangkabuhayan, at iba pa.

Sa matagal na panahon, tradisyunal ang proseso sa pag-a-apply ng puwesto sa mga palengke. Batid ko ang hirap ng mga QCitizen sa pag-aasikaso nito, at minsan may mga bintang pa na may palakasan. Ang mga oras na iginugugol nila sa permits application ay nakababawas sa kanilang kinikita na sana’y magagamit ng kanilang pamilya.

Para paginhawain ang proseso para sa mga market vendor, inilunsad natin ang kauna-unahang digital Market One-Stop-Shop (MOSS) system sa Pilipinas. Sa QC, magi­ging online na ang lahat ng proseso para sa mga QCitizen na gustong magtinda sa mga pampubliko at pribadong palengke at itinalagang vending sites.

Ang mga serbisyo tulad ng application for stall extension, renewal, transfer of stall, at repair permits ay magagawa na online, sa sarili nilang oras at tahanan. Sa MOSS, makakasiguro ring mababawasan na ang korapsyon at palakasan system. Wala na ring puwang para sa mga taong nagbabalak ng hindi makatarungang gawain.

Maaari na rin nilang makita kung mayroon pang avai­lable na stall sa gusto nilang palengke na pagtindahan. Dahil dito, mas makakapag-focus na ang mga manininda sa kanilang kabuhayan at hindi na kailangan pumunta sa city hall para asikasuhin ito.

Target nating paunang mai-register ang aabot sa 12,000 stall holders sa walong pampublikong palengke, 32 private markets, 124 temporary vending sites, at 46 talipapa. Ang datos na makukuha sa MOSS ay gagamitin nating batayan sa paghahanap at pagtatalaga pa ng karagdagang vending sites sa lungsod.

Bagaman ito ang huling sektor na nailagay natin sa QC E-services, sinisiguro natin na sa QC, walang maiiwan at lahat ay kasama sa pag-unlad.

PERMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with