^

PSN Opinyon

Mastermind sa kaso ng 34 missing sabungeros, ikakanta na?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

IKAKANTA kaya ng tatlong sumukong dismissed cops ang mastermind sa kaso ng 34 missing sabungeros? Kung si PNP spokeperson Col. Jean Fajardo ang tatanungin dapat lang makipag-cooperate sina ex-SSgt Daryl Pagha­ngaan­ ex-Cpl. Roy Navarette at ex-Pat Rigel Brosas sa imbestigasyon para malutas na ang kaso na mahigpit na sinusundan ni President Bongbong Marcos.

Ayon kay Fajardo, dapat ibunyag nina Paghangaan, Navarette at Brosas ang lahat ng nalalaman nila sa sapilitang pagdukot kay World Pitmaster Cup master agent Ricardo Lasco sa San Pablo City sa Laguna noong Agosto 31, 2021. Isama na dapat nilang ibulgar ang mastermind sa kaso. Eh di wow!

May walong kaso na hawak ang SITG Sabungero subalit­ madagdagan pa ito bunga sa walang humpay ang pagkalap ng mga imbestigador ng ebidensiya sa iba pang pag­dukot sa mga biktima, ani Fajardo. Dipugaaaaa! Hehehe! Iisang grupo lang kaya ang nasa likod nitong kaso ng missing sabungeros? Ano sa tingin mo Col. Fajardo Ma’m?

Ang naunang sumuko ay si Brosas na lumutang sa Rizal municipal police station ng mga bandang 2:45 p.m. noong Enero 19, samantalang si Paghangaan sa Liliw police makalipas ang limang oras. Si Navarette ay sumuko nitong weekend sa Calauan town. Ang tatlo, kasama ang iba pa, ay nagpakilalang mga taga-NBI at pinasok ang bahay ni Lasco sa San Pablo City at sapilitang kinuha siya. Natangay din ng mga suspects ang P10.4 milyon na pera ni Lasco at mga kamag-anak.

Isinuko ng kanilang pamilya ang tatlong pulis matapos maglabas ng arrest warrant si Judge Luvida Padolina Roque, ng RTC Branch 29 sa San Pablo City sa kasong kidnapping at serious illegal detention na may piyansang P400,000 sa bawat kaso at kidnapping and serious illegal detention (RPC Art. 267 as amended by RA 18 and RA 1084) na walang piyansa. Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Mabubulok sa kulungan sina Paghangaan, Navarette at Brosas dahil lamang sa pagtalima sa kautusan ng gambling lord na ayaw madaya sa larong sabong. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Si Lasco at iba pang sabungeros na inakusahang nandadaya o nagtiyope sa mga sabungan ay kinukonsidera pang “missing” hanggang hindi pa natutuklasan ang bangkay nila. Hindi naman humihinto ang mga kamag-anak nila sa pag-monitor ng kaso para magkaroon din ang mga biktima ng hustisya. Ayon kay IMEG director Brig. Gen. Warren de Leon, ang kaso ng “missing” sabungeros ay naging ugat para sumama ang imahe ng PNP subalit sa pagsuko nina Paghangaan, Navarette at Brosas, sana ay makabawi sila. Abangan!

vuukle comment

PNP

SABUNGERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with