Ang madalas na paghilik ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ng tao. Kasama na rito ang obstructive sleep apnea. Ito ay nagdudulot ng iba pang mga problema tulad ng:
1. Mahabang pagputol sa paghinga (mahigit 10 segundo) habang natutulog dahil sa sagabal o harang sa daanan ng hangin.
2. Madalas na paggising mula sa pagtulog kahit na hindi mo namamalayan na nagigising ka.
3. Mababaw na pagtulog. Ang mga taong may obstructive sleep apnea ay hindi nakakatulog nang malalim upang mapigilan ang pagiging relaxed ng kanilang throat muscles upang hindi ito makasagabal sa daanan ng hangin. Ang mga taong madalas humilik ay laging inaantok sa umaga.
4. Pagkapagod ng puso. Ang obstructive sleep apnea ay nagreresulta sa mataas na blood pressure at maaaring magdulot na paglaki ng puso na nagpapataas ng posibilidad ng stroke at atake sa puso
5. Iregular na tibok ng puso. Ang mga taong matagal nang humihilik ay may posibilidad na magkaroon ng iregular na tibok ng puso. Ang mga taong naghihilik ay napag-alaman na madalas na nagkakaroon ng atrial fibrillation kaysa sa mga tao na hindi naghihilik.
6. Mababang lebel ng oxygen sa katawan. Maaari itong magdulot ng pagsikip ng mga ugat sa baga at maaaring magdulot ng pulmonary hypertension kalaunan.
7. Gastroesophageal reflux disease (GERD). Madalas itong maranasan ng mga may sleep apnea. Ang mga may sleep apnea ay nakararanas ng GERD sapagkat hindi tama ang pagsara ng daanan ng hangin. Nagdudulot ito ng pagbabago sa pressure na humihigop ng mga pagkaing tinutunaw na sa tiyan pabalik sa esophagus.
8. Pagsakit ng ulo.
9. Pakiramdam na laging pagod sa umaga.
Kumunsulta sa sleep specialist upang malaman ang kalagayan mo at kung nakakasama na sa iyong kalusugan ang paghilik. Prevention is better than cure
* * *
Kabag
Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pagdighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin. Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit. Nangyayari ito kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay. Resulta rin ito ng stress, labis na pag-aalala at paninigarilyo.
Tips para maiwasan ang kabag:
1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.
2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.