^

PSN Opinyon

Nakakakilos na rin sila

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko malimutan ang babala ng sumundo sa amin sa Singapore ilang taon na ang nakalilipas. Ayon sa kanya, “Remember, low crime does not mean no crime.” Kilala ang Singapore na may isa sa pinakamababang bilang ng krimen sa mundo. Numero uno ay Switzerland. Kung gusto ninyo malaman kung anong numero ang Pilipinas, numero 55 ito sa buong mundo. Daig tayo ng maraming bansa sa Timog Silangang Asya. Ito ay ayon sa U.S. News 2022.

Nabanggit ko ito dahil sa babala ng PNP sa lahat ng tao, partikular ngayong magpapasko. Kung mas naka­kakilos na tayo ngayon, nakakakilos na rin ang mga kri­minal. Magandang payo na hindi dapat hindi pansinin o isantabi. Napakamahal ng bilihin ngayon. Kaya ang bawat pinaghirapang sahod o kinita ay hindi dapat mapunta lamang sa mga masasamang-loob.

Umiwas mag-withdraw ng pera sa mga liblib at madilim­ na ATM. Mas mabuti kung may kasama habang kumu­kuha ng pera sa ATM. Kung hindi online o GCash nata­tanggap ang sahod, huwag dalhin kaagad pauwi at kada­lasan ito ang target ng mga magnanakaw. Unti-untiin na lang. Ang nagiging target ng mga magnanakaw ay ang mga sa tingin nila hindi lalaban o papalag, karamihan mga babae. Kaya dapat laging may kasama. Mas marami, mas mabuti.

Huwag masanay nag-iiwan ng kung anu-ano sa mga kapihan, kainan, o tindahan. Mabibilis kumilos ang magnanakaw. Saglit kang hindi nakatingin ay sapat na para sa kanila. At paalala muli, huwag gumamit ng mga madadaling password tulad ng kaarawan. Kapag nakuha ang ATM mo, baka malimas ang laman. At laging alam kung saan ang pitaka o lagayan ng pera. Iwasan ang nakabukas na bag. Mga pitaka ilagay sa harapang bulsa kung saan mas mahirap madukutan.

Malayo pa tayo sa mga tulad ng Singapore sa mga tuntunin ng kaligtasan. Sa tingin ko nasa tao at kultura na rin. Banggitin ko na marami pa ring mahirap sa bansa. Ito ang mga kadahilanan lung bakit mataas ang bilang ng krimen. Kaya ang bawat isa ay dapat maging mapagbantay laban sa krimen. Kailangang kabalikat natin ang mga tapat na kapulisan laban sa krimen. Para hindi naman masira ang kapaskuhan ng bawat isa.

SINGAPORE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with