Magsumikap ng ‘di pumapalpak!
The quality of your communications defines the quality of your organization.
Ang kalidad ng iyong komunikasyon, sa anumang lebel, itaas man, gitna at sa ibaba – sa baba, sa gitna, paitaas – dapat klaro at malinaw.
‘Yung tinatawag na “flow of communication” order man ‘yan, memorandum, circular, directive at iba pangporma ng kautusan dapat alam ng lahat.
Sabi nga, “cascaded” from the top all the way down.
Anumang organisasyon o saanmang departamento ng pamahalaan, anumang utos - nakasulat man o verbal dapat malinaw sa lahat at naiintindihan lalo na sa ibaba.
Ang tinutukoy ko, ‘yung isyu ng surprise visit ng mga nakasibilyang pulis sa bahay ng mga mamamahayag. Maraming umalma’t lumikha ng panic sa panig ng mga mamamahayag. Natural lang na pumalag, matakot at maalarma ang ating mga kasamahan sa hanapbuhay.
Sino ba namang hindi magugulat nang biglang may kakatok sa bahay mo, mga nakasibilyang lalaki at tatanungin ka kung may banta sa iyong buhay.
Ito ang gusto kong tumbukin, ang kalidad ng komunikasyon sa PNP. Sumablay ang “flow of communication” tuloy naapektuhan ang kalidad ng organisasyon.
Dapat bago binisita ng mga pulis ang bahay ng ilang mediamen kumuha muna ng “clearance’’ o “guidance’ mula sa itaas.
Maganda naman ang layunin na protektahan ang mga nasa Fourth State. Subalit sana, sinabi muna sa media na “mga chief bibisita ho ang mga pulis sa mga bahay ng mediaman’’ na nasasakop ng kanilang distrito.
Nililinaw ko lang ang nangyari dumiretso agad ang nasa ibaba na wala ang malinaw na direktiba mula sa itaas. Bara-barang ipinatupad ang direktiba kaya sumablay dahil ang “flow of communication” ay hindi nasunod o sinunod.
Para magkaroon ng “damage control” inako na ng itaas ang responsibilidad, kahit ang pumalpak ang nasa ibaba.
Simple lang ang aking masasabi, hihiramin ko muna ang pamosong linya ni Donya Delilah sa palabas noon na John and Marsha: “kaya ikaw Johh magsumikap ka, nang sa gayon ay hindi ka pumapalpak.”
Magsumikap ka diyan upang gumanda ang inyong pamumuno at pangangasiwa.
Gets n’yo mga bosing!
- Latest