Muling binuksan ang mga city-owned lying-in facility sa Makati upang mas mapalapit ang mga serbisyo sa #ProudMakatizen mommies.
Alinsunod sa DOH guidelines, ang ating lying-in facilities ay bukas ng 24/7 at tumatanggap ng mga buntis na kabilang sa mga sumusunod na kategorya: Low-risk pregnancy; May edad na 20 to 34 years old; Pangalawa hanggang pang-apat na pagbubuntis; Thirty seven weeks hanggang 39 weeks nang buntis; at, Walang record na dating inoperahan sa matris o komplikasyon sa pagbubuntis.
Mas mabuti kung ang #ProudMakatizen mommy natin na magpapa check-up ay miyembro ng PhilHealth at mayroong Yellow Card mula sa lungsod.
Mas mapapabilis kasi ang proseso ng panganganak at wala na pong babayaran kung kayo ay Yellow Card holder.
Ito ang mga serbisyo na puwedeng i-avail sa lying-in clinics: 1) evaluation/pre-natal checkup; 2) normal delivery; 3) post-partum check up; 4) newborn screening; 5) family planning counseling.
Safe na safe po ang ating lying-in facilities dahil puro OB-GYN doctors ang naka-duty sa mga sumusunod na clinics: East Rembo Lying-in Clinic, 0969-514-4620, 23rd Ave., Bgy. East Rembo; Bangkal Lying-in Clinic, 0961-684-4317, 1126 Rodriguez Ave., Bgy. Bangkal; at Guadalupe Nuevo Lying-in Clinic, 0969-354-5343, La Consolacion St., Bgy. Guadalupe Nuevo.
Ang mga manganganak ay ina-admit sa clinic kapag sila ay nagla-labor at mahigit 4cm na. Kinakailangang mag-stay ng 24 hours for observation ang nanay at bagong panganak na sanggol.
Sumasailalim na rin sa newborn screening ang mga baby bago sila i-discharge mula sa lying-in facility. Gusto naming masiguro na healthy ang baby bago sila pauwiin.
Kapag may nakitang hindi maganda ay paiiwanan pa sila ng ilang oras hanggang ma-address ang problema.
Bilang isang ina, gusto ko sanang paalalahanan ang mga mommies natin na dapat regular ang check-up para pangalagaan ang kanilang reproductive health. Hindi dapat na kung kailan lang buntis ay saka lang kukunsulta sa mga eksperto.
Ang mga lying-in centers ay nandiyan para kayo ay gabayan at turuan ng tamang methods ng family planning at birth spacing.