^

PSN Opinyon

Shortage raw?

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

May natagpuang 57,000 na sako ng asukal mula Thailand sa isang bodega sa Quezon City. Mayroon ding 350,000 na sako ng asukal mula Thailand sa tatlong bodega sa Cavite at 460,000 na sako ng asukal sa tatlong bodega sa Bukidnon. Ilang bodega pa ang nadiskubre na may libu-libong sako ng asukal sa buong bansa. Karamihan ay nagpakita ng pahintulot mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) para maangkat ang mga asukal, maliban sa Bukidnon na ayon sa manager ng bodega ay sariling tanim at ani, pero walang maipakitang dokumento.

May shortage nga ba ng asukal sa bansa kung saan pati pabrika ng Coca-Cola ay kailangang pansamantalang magsara dahil walang makuhang asukal?

Malinaw na nais lamang ng mga may-ari ng asukal na mag-imbak para magkaroon ng pagkukulang sa merkado at hihintaying tumaas ang presyo para mas malaki ang kita. Hindi na bale kung karamihan ng gumagamit ng asukal ay ordi­naryong mamamayan. Ang mahalaga ay yumaman sila nang husto. Lahat ng umangkat ng asukal ay may pahintulot mula sa SRA.

Bago siguro malantad ang kontrobersiya sa SRA na wala namang go-signal mula sa Palasyo na bigyan ng pahintulot na mag-angkat ng tone-toneladang asukal mula sa ibang bansa. Pero iyan ba talaga ang pinaalam lamang sa publiko? Nahuli lang ba ang mga asukal na iyan dahil nagreklamo ang mga kompanyang gumagamit ng asukal para sa kanilang produksyon? May makakasuhan at makukulong ba?

Nakakahiya talaga na ang Pilipinas, na may libu-libong ektarya ng lupang masasaka ay kailangang mag-angkat ng bigas at ngayon, asukal. Pati sibuyas nagkukulang daw. Patunay na tila nawawalan ng gana ang ating mga magsa­saka na ituloy ang kanilang pagtanim at pag-ani, dahil nata­talo sila sa mababang presyo at ilegal na ipinapasok na produkto.

At kapag dumaing sila sa gobyerno, kadalasan ay nababansagan pang mga komunista, kalaban ng gobyerno­ at iba pa. Maaaresto, makukulong o mas masama, mapapatay. Mukhang walang ganyang problema ang Thailand at Vietnam at sa kanila madalas kumukuha ng produkto ang Pilipinas. Bakit hindi tayo matulad sa kanila?

At ngayon, may nabasa ako na pati asin ay nag-aangkat pala ang bansa. Napapaligiran tayo ng dagat kung saan galing ang asin, nag-aangkat pa tayo? Ayon sa Philippine­ Chamber of Agriculture and Food Inc. 93 porsiyento o 550,000 metric tons ng pangangailangan ng bansa ng asin kada taon ay galing sa Australia at China. Sinisisi ni Senior Agriculture­ Undersecretary Domingo Panganiban ang pagiging pabaya­ ng gobyerno sa nakaraang 15 taon sa kasalukuyang problema ng bansa hinggil sa asin. Si Panganiban ay dating kalihim ng agrikultura sa ilalim ng Estrada at Arroyo admi­nistration. Ah, kaya ba maalat tayo noong mga adminis­trasyong iyon. May solusyon kaya siya ngayon? Sana nga.

SRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with