Badyet ng PGH babawasan, bow
PINALAGAN ng UP Workers Union-Manila/PGH ang P900 milyon na bawas sa badyet sa PGH bilang “hindi patas at hindi katanggap-tanggap.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagbawas sa badyet ng PGH ay isang malinaw na indikasyon na ang kalusugan ng madlang Pinoy ay hindi prayoridad ng gobyernong ito. Batay sa P5.268-trillion proposed national budget next year na isinumite ng DBM sa Kamara, P5.412 bilyon lamang ang makukuha ng PGH. May kaltas na P893 milyon mula sa P6.302 bilyong badyet sa taong ito.
Hinimok din ng unyon ng mga manggagawa sa UP ang Kongreso, at ang DBM na itigil ang mga pagbawas sa badyet ng PGH, na nangakong tututulan at ubusin ang lahat ng paraan upang labanan ang pagbawas sa badyet. Sa halip na bawasan ang badyet, umaasa ang unyon ng mga manggagawa sa P10 bilyong badyet para sa ospital ng estado.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kanilang panukalang P10 bilyon na budget allocation para sa PGH ay maaaring pondohan ang karagdagang tulong medikal para sa mga mahihirap na pasyente, mag-upgrade ng mga pasilidad, bumili ng karagdagang kagamitan tulad ng diagnostic machines, kumuha ng karagdagang higit o mas mababa sa 500 nursing personnel na may permanenteng posisyon at gawing regular ang 300 contractual at job order na mga empleyado.
“Inaasahan namin na maglalaan ang gobierno ni PBBM ng P10 bilyong badyet para sa PGH ngayon 2023, kokontrahin namin ang gagawin pagbabawas ng badyet,’’ sabi ng kuwagong inuurot.
Ang pagbawas sa badyet ng PGH ay isang malinaw na indikasyon na ang kalusugan ng madlang Pinoy ay hindi prayoridad ng gobyernong ito?
* * *
Ang earthquake sa Norte
Mga paliparan sa Norte ligtas sa 5.5 magnitude na lindol. Mabuti naman!
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ligtas at nanatiling operational ang mga paliparan sa hilagang Luzon ito ang mga reports ng mga area managers kay Caap Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo matapos tumama ang 5.5 magnitude na lindol ganap na 2:27 ng umaga na ang sentro ay nasa Pilar, Abra. Ikinuwento ni Area Manager 1 Ronald Estabillo na ligtas at nasa normal operational ang mga paliparan sa Region 1 tulad ng Baguio, Laoag,Vigan, Lingayen at Pangasinan airports. Sabi naman ni Area Manager 2 Mary Sulyn Sagorsor, ang mga commercial airports sa Tuguegarao at Cauayan, Isabela ay wala ring natamong pinsala sa lindol at nanatiling operational ang mga ito.
- Latest