^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Palakasin ng PNP ang police visibility

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Palakasin ng PNP ang police visibility

NAGSIMULA na ang school year 2022-2023 noong Lunes. Balik-eskuwela na ang may 28 milyong estudyante. Naging maayos naman ang simula ng klase. Ayon kay Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. matiwasay ang pagbubukas ng klase at walang nangyaring kaguluhan. Maraming­ pulis ang ipinakalat sa pagbubukas ng klase para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante. Ayon pa kay Azurin nakahanda ang pambansang pulisya na protektahan ang mga mag-aaral at ang mamamayan sa kabuuan.

Sa pagbubukas ng klase, hindi lamang ang mga estudyante ang nagbabalik kundi pati ang mga masasamang loob. Hindi lamang mga estudyante ang gigil na nagbalik-eskuwela kundi pati na rin ang mga holdaper, snatcher, mandurukot at pati mga kidnaper. Sa loob nang mahigit dalawang taon na pagkakatigil ng face-to-face classes dahil sa CO­VID-19 pandemic, tiyak na nag-uulol ang mga masasamang loob para makapambiktima ng estudyante at iba pa na inaakala nilang may mapapakinabang.

Sa university belt kadalasang nangyayari ang cell phone snatching at mga panghoholdap. Modus nga­yon ng mga snatcher na gumamit ng motorsiklo para makapang-snatch hindi lamang cell phone kundi pati na rin handbag.

Masyadong marahas ang mga snatcher na naka­motorsiklo sapagkat ang mga inaagawan nila ng bag ay nakakaladkad hanggang sa magkasugat-sugat ang mga braso at mukha ng kawawang estudyante.

Ang pinakagrabe, kapag hindi binigay ng estud­yante ang kanyang cell phone at iba pang mahalagang gamit, inuundayan ng saksak. Nangyayari ang ganitong krimen kahit sa kaliwanagan ng araw. At ang masaklap, walang pulis man lang na nagpa­pa­trulya sa lugar. Walang tumutulong sa estudyante.

Laganap din ang panghoholdap sa mga gaso­li­nahan, 24-hour store at maski ang mga karaniwang karinderya ay hindi pinatatawad ng mga kawatan. Nililimas ang kaha ng hinoldap na establisimento.

Ang regular na pagpapatrulya ng pulisya ay mahalaga ngayong balik-eskuwela. Kung may mga pulis sa kalye, mapipigilan ang mga kriminal na mambik­tima. Kung may nakikita silang unipormado, magda­dalawang-isip silang mangholdap o mang-snatch. Ikalat ang mga pulis sa mga bisinidad ng eskuwelahan.

BALIK ESKWELA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with