^

PSN Opinyon

Kulang ang ebidensiya sa walang kuwentang mister

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Nagprisinta rin si Cynthia ng isang psychologist na sumuri kay Pete at nagpahayag na mayroong personality­ disorder (sexual deviant or perversion) ang lalaki base sa mga kuwento ni Cynthia. Nang hanapin ang pinagmulan­ nito ay napag-alaman na malupit ang tatay nito at masyado naman siyang pinoprotektahan ng ina kaya nagkaroon ng emosyonal na pagkalito ang lahat kay Pete. Tumestigo rin ang psychologist na malala, seryoso at hindi naga­gamot ang sakit nito at wala siyang kakayahan na gampanan ang mga tungkulin ng isang asawa.

Hindi sumagot si Pete pero napatunayan naman ng korte na walang naging sabwatan sa mag-asawa kaya isinu­mite na ang kaso para sa hatol ng korte.

Sa kasamaang-palad, hindi pa rin pinagbigyan ng korte ang petisyon ni Cynthia. Hindi raw napagtagumpayan ng babae na kalabanin ang legalidad ng kasal nila. Ayon pa sa korte, napatunayan lang sa ebidensiyang inihain na nagtaksil sa kasal nila at may sexual perversion si Pete.

Ang desisyon ng RTC ay kinatigan ng Court of Appeals. Ang pahayag ng CA ay hindi sapat na basehan ng pag­papawalambisa ng kasal ang sexual perversion, pag-aban­dona, pagtatangka sa buhay at pagtataksil ng lalaki. Kung sakali ay uubra lang daw ito para sa legal separation o pormal nilang paghihiwalay sa ilalim ng Art. 55 ng Family Code. Tama ba ang RTC at CA?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, ang kabuuan ng ebi­densiyang inihain ni Cynthia ay hindi sapat para patu­nayan na psychologically incapacitated si Pete at walang kakayahan na gampanan ang tungkulin ng isang asawa para malusaw ang kanilang kasal. Ang anumang pagdududa ay dapat iresolba ng korte pabor sa pagpapanatili sa kasal at laban sa pagwasak nito.

Parehong itinataguyod ng ating Saligang Batas at ng ating mga batas ang pagpapanatili sa legalidad ng kasal. Dapat ay may matibay na pruweba base sa pagkatao ng isang asawa para masabi na may diperensiya sa kanya o sa kanyang pamilya. Dapat din na may pattern na magtuturo na talagang hindi magawa nito na maging mapagmahal, tapat at mapagrespetong asawa para masabi na may psychological anomaly sa relasyon niya sa kabiyak.

Sa kasong ito, kahit suriin pa ang kabuuan ng ebidensiyang inihain ni Cynthia, hindi pa rin ito sapat para magkaroon ng konklusyon na psychologically incapacitated nga si Pete. Ang ulat ng doktor na nagsasabing may sexual deviant personality ang lalaki ay base lang din sa kuwento ni Cynthia. Ang nagawa lang nitong ipakita ay nagkaroon ng personality disorder si Pete dahil sa magkataliwas na ugali ng mga magulang nito. Hindi pa rin nito binigyan ng sapat na paliwanag ang korte para maintindihan ang takbo ng utak ni Pete.

Walang testigo o mahalagang impormasyon sa personality structure, pagpapalaki at pagkabata nito mula sa kapamilya, kaanak, kaibigan o kaya ay katrabaho. Ang pagsusuri ng doktor ay base lang sa mga pahayag ni Cynthia. Ang hindi nila pagkakasundo, magkataliwas na personalidad, pagiging isip-bata, pagiging iresponsable pananakit, pagiging lasenggo, pagtataksil, pagkababoy o perversion at pag-iwan sa kanila ay hindi pa rin sapat para masabi na mayroong psychological incapacity sa ilalim ng Art. 36 Family Code (Padua vs. Padua, G.R. 208258, April 27, 2022).

PSYCHOLOGIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with