^

PSN Opinyon

QCPD chief General Torre, nagka-baptism of fire sa militante!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nakatikim kaagad ng baptism of fire itong bagong upong­ hepe ng Quezon City Police District na si Brig. Gen. Nicolas Torre lll nang magsagawa ng protest action ang Kabataan partylist sa opening ng klase sa Quezon City. Nagpaalam ang mga militante sa police assistance desk sa Pres. Corazon Aquino Elementary School sa Bgy. Batasan Hills para magpamudmod ng alcohol at school supplies sa gate ng eskuwelahan. Siyempre, sino ba ang haharang sa isang kawanggawa, di ba mga kosa?

Kaya lang, maya-maya, naglabas ng streamers at pla­­­cards ang mga militante na may nakasulat ng protest state­ments na naging dahilan para magulo ang pagpasok ng mga estud­­yante at kanilang mga magulang sa eskuwelahan­. Simula kasi ng face-to-face classes kaya dinagsa ng mga estud­yante at magulang ang naturang school.

Dahil sa protest action ng mga militante, nagkaroon ng bottleneck, hindi lang sa gate, kundi maging sa daan at ang opening ng klase ay nagkagulo. Sa unang sultada, pina­kiusapan ng mga pulis ang mga militante na alisin ang ka­nilang protest placards subalit dedma lang sila. Mismooooo! Hak hak hak!

Ano pa ba ang bago r’yan mga kosa? Tulad ng ibang protest action nila, nagpapansin lang itong mga militante­, di ba mga kosa? Tumpak! Dipugaaaaa!

“Despite our diplomatic efforts, the protesters refused to leave. Peace and order should be kept in a learning­ environment. Our personnel had to confiscate the streamers and placards because they didn’t take heed to our request,” ani Torre. Hayun, dinisperse ng mga tauhan ni Torre ang mga militante. Subalit paawa epek itong mga militante at pinalabas na namimigay lang sila ng alcohol at school supplies nang awatin ng pulisya. Nagtagumpay ang black pro­­­paganda ng mga militante at naapektuhan na naman ang imahe ng kapulisan. Mismooooo!

Ipinaliwanag naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Rode­rick­ Augustus Alba na ang kapulisan ay hindi laban sa democratic rights ng mga Pinoy subalit hindi nila papayagan ang mga unruly behavior, na magiging dahilan sa pagkagulo sa eskuwelahan at iba pang educational institutions. Patuloy nilang i-monitor ang mga eskuwelahan at palaging handa para tugunan ang anumang emergency at ibang untoward incidents, ani Gen. Alba. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Maliban sa isolated incident sa Quezon City, inireport ni NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel “Esto” Estomo na tahimik naman ang opening ng face-to-face classes sa ibang parte ng Metro Manila. Inikot ni Estomo at mga district directors ang mga eskuwelahan at nagustuhan naman ng mga principals at school officials ang security preparations ng NCRPO. Tumpak! Abangan!

vuukle comment

NICOLAS TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with