^

PSN Opinyon

Mahika ng teknolohiya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nakamamangha ang mahika ng communications tech­nology. Kung isa kang manunulat at nagkaroon ka ng karamdamang mangangailangan ng confinement, tiyak “on leave ka muna.” Hindi na nangyayari ito sa panahon ng Internet connectivity basta mayroon kang tablet o cell phone. Iyan naman ay depende sa iyong karamdaman.

Ako ngayon ay naka-confine sa Chinese General Hospital (CGH) matapos ang matagumpay na pagtanggal sa aking­ apendisitis. Magsilbing babala ito sa marami nating kababayan. Huwag balewalain ang sakit ng tiyan. Sinakitan ako ng sikmura mula noong Lunes na ang akala ko ay ordi­naryong diarrhea lang. Naghintay ako ng ilang araw pero hindi naman ako nagtae ay lalo pang tumindi ang sakit.

Ikaapat na araw nang ipasya ko na isugod na sa pina­kamalapit pero katiwa-tiwalang ospital at ‘yan ay ang CGH. Mga batambata at mahuhusay ang mga doktor-siruhano rito. Matapos lang ang ilang pagsusuri, agad na akong iti­nulak sa OR. Matapos mainiksyunan ng anesthesia, Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.

Nagising na lang ako sa recovery room at mula roon ay dinala na sa aking ward. Sabi ng doktor na nag-opera sa akin, kung isang araw pa akong hindi nagpadala sa ospital, malamang pumanaw na ako.

Salamat sa Diyos at sa lahat ng mga taong nagtulung-tulong para matiwasay kong malampasan ang krisis.

vuukle comment

TEKNOLOHIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with