^

PSN Opinyon

China binubusabos tayo; protesta natin binabalewala

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Bulaan ang Chinese Communist Party sa pagsabing kaibigan nito ang Pilipinas. Hinahakot ng CCP fisheries militia ang isda sa dagat natin. Inookupa o pinaliligiran ang siyam na bahura sa West Philippine Sea. Inaangkin ang langis at gas doon. Pati Benham Rise sa East Philippine Sea ay ine-explore ng CCP gunboats. Pinapasok pati panloob na dagat natin: Sibutu Strait sa Tawi-Tawi, at Tubbataha Reefs sa pagitan ng Palawan at Panay.

Hindi kaibigang maituturing ang siga-sigang kapitbahay na namamasok sa ‘yong bakuran at ninanakawan ka ng tanim. Lalo na kung sinasaktan at binabantaan ka pa.

Nanggugulo ang CCP. Mina-machinegun at wino-water cannon ng China Coast Guard ang mga mangingisdang Pilipinong patungo sa mga bahura. Binabangga ng Chinese militia trawlers ang mga bangkang kahoy natin, at iniiwan para malunod ang mga tumatalsik sa laot. Tinututukan ng CCP warships ng armas ang Philippine Navy patrols sa Malampaya gas field. Wino-water cannon din ang PN rubber boats na naghahatid ng pagkain sa Philippine Marines sa Ayungin Shoal.

At matapos limasin ang yamang-dagat sa WPS, nagbabanta pa ang CCP na dadakipin ang mga Pilipinong na­ngingisda roon mula Hunyo hanggang Nobyembre. Labas-masok ang CCP fighter jets sa airspace ng Pilipinas.

Walang balak magpakatino ang CCP. Nagpopondo ng alipores at espiya sa pambansa at lokal na gobyerno natin. Inaakit nang kung anu-ano ang ating mga intelektwal, negos­yante, at opisyales ng seguridad. Pinalalala ang shabu smuggling para ma-adik ang kabataan natin.

Bilang mapayapang bansa, pinuprotesta lang ng Pilipinas ang pambubusabos ng CCP. Iniiwasan ang engkuwentro sa bully.

Binabalewala ng Beijing ang mga protesta. Tinitindihan ang pang-aabuso—kaya’t nakukuha ang ganid na ninanais. Inudlot ang pag-extract natin ng langis at gas sa Recto Bank.

CHINESE COMMUNIST PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with