^

PSN Opinyon

Halaman natutulig sa ingay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Alam na noon na kapag maingay ang trapik nilalakasan ng mga hayop sa katabing kahuyan ang tinig nila o iniiba ang oras ng pakikipag-komunika sa kapwa o lumalayo na lang. Apektado ang mga halaman na umaasa sa hayop, lalo na ang insekto at ibon, para ma-pollinate at dumami. Pero napansin ni Dr. Ali Akbar Ghotbi-Ravandi, ng Shahid Beheshti University sa Tehran na “natutulig” din ang hala­man sa ingay ng trapik.

Inulat ng Economist ang saliksik ng botanist sa pagdagundong ng sound waves sa halaman. Nagtanim siya ng dalawang set ng buto ng bulaklak hanggang yumabong. Isang set sa katahimikan, at ang pangalawa ay nilantad sa 73 decibels ng ingay ng motor 16 na oras kada araw.

Makalipas ang 15 araw, sinuri ang pinakamalalaking­ dahon sa dalawang sets. Malamya lahat ng tanim na pinaingayan. Mataas ang lebel ng hydrogen peroxide at malondialdehyde sa mga dahon, ibig sabihin sobrang stressed sila. Samantala konti lang ang growth hormones nila.

Tumindi ang stress hormones na jasmonic acid at abscisic acid, pangontra ng halaman sa atake ng insekto­, maalat na lupa at malamig na klima. Pati timbang ng mga kapuputol lang na sariwang dahon ay sobrang gaan ‘yong nayanig ng ingay.

Konklusyon ng saliksik: Maski walang tenga ang mga halaman, nabubulabog sila ng noise vibrations. Nanlalata, nababansot, namamayat. Napipilitan sila gumawa ng anti-stress hormones katulad ng sa tanim tuwing sobrang tagtuyot, alat o heavy metals sa lupa.

Kailangang protektahan sa ingay ang mga gubat.

Lahat ba ng ingay ay nakakasama sa halaman? Hindi naman tahimik ang kalikasan. Nakakabingi rin ang mala­kas na huni ng hangin sa bundok, dagundong ng waterfalls sa gubat, at sabay-sabay na kokak ng mga palaka. Pero yumayabong pa rin ang halaman. May mga species kaya na nasanay at nabingi na sa uri ng ingay?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

HALAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with