Reporma sa edukasyon, pirma ni President Digong ang kulang!
Isang pirma na lang at lalarga na itong kahilingan ng advocacy group na maisabatas ang Education Commission (EDCOM) para ireporma ang bulok na sistema ng edukasyon sa Pinas. Kaya’t mariing hiniling ng Philippine Business for Education (PBEd), na isang non-governmental organization (NGO), kay President Rodrigo Duterte na huwag nang magpatumpik-tumpik at pirmahan na ang naturang panukalang batas para buhaying muli ang EDCOM.
Malaki ang sampalataya ng PBEd na kapag naging batas na ang EDCOM, aba madali nang matugunan ang krisis sa edukasyon sa Pinas. Nauna na kasing naipasa ng Congress at Senado ang Congressional Commission on Education (EDCOM 2) at pagsang-ayon na lang ni President Digong ang kulang. Dipugaaaaa! Hak hak hak!
Ano pa ba ang hinihintay mo President Digong Sir. Kuha na ng ballpen at pirmahan ang panukalang batas na EDCOM para madagdagan ang accomplishments mo, hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!
Magiging “lasting legacy” ni President Digong sa mga kabataang Pinoy ang EDCOM 2 kapag naging batas na ito, ani Love Basillote, executive director ng PBEd. Iginiit ni Basillote na “deserve” ng bawat batang Pinoy ang mas maayos na sistema ng edukasyon sa bansa. Tatlong dekada na ang nakalipas ng huling magkaroon ng EDCOM at nasa kamay na ni Duterte kung nais nyang mag-iwan ng legacy na magkaroon ng competent na mga mag-aaral at magaling na workforce ang Pinas, ani Basillote.
Nakasaad kasi sa panukalang batas, na ang EDCOM 2 ay magsasagawa ng “comprehensive national assessment and evaluation” ng Philippine education sector at magrekomenda ng konkretong reporma na gagawing intellectual power ang Pinas sa Asia. Wow!
Bigatin pala ang misyon nitong EDCOM 2 kaya dapat nang pirmahan ni President Digong ang panukalang batas na ito. Layunin din ng EDCOM 2 na alamin ang mga kadahilanan at pigilan ang patuloy na paglugmok ng edukasyon sa ating bansa. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hindi na dapat mag-isip nang malalim si President Digong para pirmahan ang pagbabalik ng EDCOM 2. Mismooooo!
Sa totoo lang, malaki ang pasasalamat ng PBEd sa 18th Congress at sa lahat ng nasa likod sa pagpasa ng landmark bill na inaasahang magiging daan patungo sa inaasam na reporma sa edukasyon. Ayon sa PBEd, sa ilalim ang EDCOM 2 maaring pag-aralan at amyendahan ang kasalukuyang polisya sa edukasyon at tugunan ang «gaps» at paghusayin ang kalidad ng Philippine Education.
«This is indeed a crucial step forward in addressing the country’s education crisis and preventing the collapse of our education system,» ang giit pa ni Basillote. Mismooooo! Hak hak hak! Mabuhay ang PBEd! Dipugaaaaa! Abangan!
- Latest