^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bumabaha dahil sa basurang plastic

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bumabaha dahil sa basurang plastic

NOONG nakaraang Biyernes, bumaha sa España Boulevard, Rizal at Taft Avenues sa Maynila. Umulan nang malakas. Sa wala pang kalahating oras na pag-ulan, umapaw agad ang España at maraming maliliit na sasakyan ang hindi makaraan. Ganundin ang nangyari sa Taft Avenue kaya maraming pasahero ang na-stranded. Naglakad na lamang sila sa hanggang tuhod na baha. Isang kakaibang tana­win sa panahon ng tag-araw.

Basura ang dahilan kaya laging bumabaha sa Metro Manila partikular na sa Maynila. Ilang dekada na ang problemang ito subalit hang­gang ngayon, problema pa rin at mas malala dahil kaunting ulan, baha agad.

Inamin na noon ng Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) na mga basura ang dahilan nang pagbaha na karamihan ay pawang plastic. Hindi raw kaya ng pumping stations na pabilisin ang pagliit ng baha dahil sa mga basurang plastic. May 66 na pumping stations sa Metro Manila.

Gumastos ang pamahalaan ng bilyong piso para sa flood control program pero balewala rin sapagkat bumabaha pa rin dahil sa mga nakabarang basura. Hindi lang pangkaraniwang basura ang nakabara kundi mga plastic na hindi nabubulok. Karaniwang plastic sando bags, sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng ins­tant noodles, plastic shopping bags at nga­yong may pandemya, nadagdag ang mga gina­mit na face masks, face shields at iba pang PPEs.

Maraming estero ang hindi na gumagalaw ang tubig dahil sa rami ng basura. Kadalasang­ ang mga informal settlers na nasa pampang­ ng estero ang nagtatapon ng mga basurang plastic­. Naging maluwang na basurahan nila ang mga estero.

Noong nakaraang Marso 2, lumahok ang Pilipinas at ba pang bansa sa UN resolution para wakasan ang plastic pollutoin. Naganap ang historic resolution sa UN Enviromental Assemby sa Nairobi, Kenya. Sa resolution, ipi­naliwanag ang full life cycle ng plastic products – mula sa produksiyon at design disposal ng mga ito. Inaasahan na ang resolution ang mag­wawakas sa problema sa plastic pollution sa buong mundo.

Ipagpatuloy naman ng MMDA ang regular na paglilinis o declogging sa drainages at maging sa mga estero.  Maraming nakabara at dapat maalis ang mga iyon. Ipag-utos naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kapitan ng barangay na paigtingin ang pagbabantay sa mga magta­tapon ng basura sa mga kanal, estero, sapa at imburnal. Sila ang kastiguhin sa pag-apaw ng mga basura.

ULAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with