^

PSN Opinyon

Pinakamagandang argumento

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Walang magandang balita ngayon. Magtataas na naman umano ang presyo ng gasolina at diesel sa Martes. May babala na nga kung hindi titigil ang pagtaas ng presyo ng langis sa mundo, aabot ng P100/litro ang gasolina at diesel. At hindi na malayo mangyari dahil nagpahayag ang U.S. na hindi na sila bibili ng langis sa Russia. Tila sumusunod na rin ang ibang bansa tulad ng UK bilang parusa sa Russia dahil sa kanilang pagsalakay sa Ukraine. Kumontra naman si Putin na kung hindi na sila makakabenta, aabot sa $300 bawat bariles ng krudo. Hindi ito maganda. Parang ganito ang mga kaganapan na nagpasiklab sa malawakang digmaan.

Nagpahayag naman ang United Arab Emirates na magdadagdag sila ng produksiyon ng langis kada araw para makatulong sa krisis at hihikayatin ang OPEC na sumunod. Ang OPEC ang pinakamalaking grupo ng mga bansang may langis at sila ang may kontrol kung magdadagdag o magbabawas ng output ng langis. Kung baga, sila may hawak ng gripo kung palalakasin o hihinaan. Natural, kapag hininaan at malaki ang pangangailangan ng mundo, tataas ang presyo. Itong nakaraang dalawang taon ay bumagsak nang husto ang presyo ng langis dahil sa pandemya. Pero ngayong tila unti-unting bumabalik na sa normal, nais nilang makabawi. Para namang naghirap itong mga bilyonaryo sa nakaraang dalawang taon.

Kaya lang ang problema ay kasama ang Russia sa tinatawag na OPEC+ at may kasunduan sila sa unti-unting dagdag lang sa output ng langis para makontrol ang presyo. Dapat makumbinsi ang ibang miyembro ng OPEC tulad ng Saudi Arabia na magdagdag ng output para bumagsak ng bahagya ang presyo ng langis.

Ito ang pinakamagandang argumento kung bakit kailangang maghanap ng alternatibong pagmumulan ng enerhiya para sa tao. Mahirap umasa na lang sa langis. Mga sasakyang de-kuryente. Kuryente mula sa mga plantang hydroelectric, kuryente mula sa araw. Kuryente mula sa hangin. Ito ang mga renewable energy sources na dapat nang bigyan ng halaga at pansin. Mahirap umasa sa mga bansang hindi magdadalawang-isip na pahirapan ang mundo sa pamamagitan ng pagdamot ng langis para lang mas yumaman pa.

GASOLINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with