^

PSN Opinyon

Audiobooks nauuso na

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG lumabo ang mata ko sumubok ako ng audiobooks. Hindi kailangan basahin, pinapakinggan lang. Nakakanibago sa simula, dahil ugali ko namnamin ang mga salita at pangungusap ng umakda. Pero nakasanayan ko rin dahil puwede naman ibalik kung gustong ulit-ulitin ang nagustuhang talata o kung mali ang pagkakadinig.

Kainaman ng audio ay mas marami akong nabubunong libro ngayon. ‘Di tulad dati na sa bagal ko marami na ang dalawang mabasa sa isang buwan, ngayon nakaka-da­la­wang libro ako sa isang linggo. Kaya nagsu-subscribe ako sa mga online book sites. Sa fiction, maikling ku­wento o nobela, drama o aksiyon; sa nonfiction, mga seryosong paksa.

Wala nang pahina na nililipat. Pinipindot lang ang start at stop buttons sa mobile phone o tablet. Maari rin i-set ang timer kung ilang minuto o oras nais makinig. Sa kama, naka-earphone lang para hindi maabala ang kasiping – na nakikinig din ng sariling audiobook.

Nakakapakinig habang nagmamaneho, nagsusulsi, nag­wo-workout, kumakain, naliligo – na hindi magagawa sa hard copy.

Pati mga artikulo sa dyaryo at magasin ay maaring ipabasa na lang sa gadget: boses ni Alexa sa Android, at tinig lalaki o babae ni Siri sa Apple. Mauutusan din sila magpadala ng message at tumawag sa nais kausapin. Nagpapaalala pa ng oras, petsa, at appointments.

Mabalik sa audiobooks. Mas nakakagana kung ang bumoboses ay propesyonal na aktor sa entablado. Kaya nila bago-bagohin ang tinis, bilis o punto ng pagsalita – naibabagay kung babae o lalaki, matanda o bata ang ka­rakter, o kung umiiyak, natutuwa, lasing, bagong gising, atbp. Parang nanonood ng dula na inaakto ng isang aktor ang marami.

Dahil nauuso ang audio books miski sa malinaw pa ang mata, nagkaroon na rin ng book reviewers at kritiko na audio. Nakakatuwa rin sila pakinggan dahil para ring dula ang pagpuri o pagwasak sa akda.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

GADGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with