^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagsa ng mga tao, naghahatid pangamba

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dagsa ng mga tao, naghahatid pangamba

Nang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila noong Sabado dumagsa agad ang mga tao sa mall, parke, beach at iba pang matataong pamilihan gaya ng Divisoria. Tatagal ang alert level hanggang Oktubre 31, batay sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ayon sa IATF, maaring magluwag pa pagsapit ng Nobyembre.

Sa pagluluwag, dinagdagan ng kapasidad ang mga customer ng mga restaurant at iba pang mga establisimyento. Kasunod nang pagluluwag sa Metro­ Manila, target na ring magbaba ng alert level system sa Calabarzon, Cebu at Davao.

Talagang dumagsa ang mga tao sa mall, park at beach sa unang araw ng pagluluwag. Parang mga baka na nakawala sa kural. Parang mga bilanggong nakalaya sa piitan.

Sa Marikina River Park, dagsa ang mga tao. Pati mga bata ay kasama sa pamamasyal. May mga nagdala pa ng pagkain at doon nagsalu-salo. Halos maghapon sa park ang mga tao. Ang problema, dikit-dikit na sila. Bagama’t may mga face mask, nagbibigay pangamba na maaaring magkahawahan dahil sa pagkumpol-kumpol.

Sa Dolomite Beach sa Roxas Boulevard, dumagsa rin ang mga tao. Sabik na sabik namasyal sa puting buhangin na itinambak. May mga batang kasama na nagsipaglaro pa sa beach. May nagsi-selfie. Kapansin-pansin ang pagkakadikit-dikit ng mga tao. Kahit may mga face mask ang mga tao, hindi pa ring maiwasang baka kumalat ang virus.

Kung ang mga beach resort at parke ay dinagsa, mas lalong maraming tao sa Divisoria. Noong Sabado, marami na ang namimili sa Divisoria at dito mahirap maipatupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask. Hindi naman mababantayan ng mga pulis ang mga mamimili na nasa loob ng gusali.

Ngayong papalapit na ang Pasko, tiyak na dadagsa ang mga tao sa Divisoria at iba pang mga pamilihan. Kailangan pa ring ipatupad sa mga matataong lugar ang health protocol. Kahit pa nasa Alert Level 3 ang Metro Manila, hindi pa rin dapat magkampante sapagkat posibleng kumalat muli ang virus.

Alalahanin na narito pa sa paligid ang virus – lalo ang Delta variant na mabilis makahawa. Huwag sanang maging kampante. Huwag abusuhin ang pagluluwag at baka mas malaking problema ang kaharapin.

DIVISORIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with