Tips para maalagaan ang kidneys

Narito ang mga payo para maalagaan ang kidneys:

1—Bawasan ang asin sa pagkain.

2—Limitahan ang protina sa pagkain.

3—Gamutin ang altapresyon o high blood pressure.

4—Gamutin ang diabetes.

5—Limitahan ang paggamit ng pain relievers. Ang mga pangkaraniwang pain relievers tulad ng mefe­namic acid, ibuprofen, at mga mamahaling pain relie­vers tulad ng celecoxib, ay puwedeng makasira ng kidneys. Ka­ilangan ay limitahan ang paggamit nito sa 1 o 2 linggo lamang.

6—Uminom ng sapat na tubig sa isang araw. Ang pangkaraniwang payo ng doktor ay ang pag-inom ng 8 basong tubig sa isang araw. Makatutulong ito sa pag-iwas sa kidney stones o bato sa bato.

7—Wala pang basehan ang paggamit ng supplements para sa kidneys. Wala pang supplement na na­imbento na napatunayang makatutulong sa kidneys. Sundin lamang ang mga payong naibigay at mapapangalagaan ang kidneys.

8—Huwag sobrahan ang pag-inom ng Vitamin C. Ang sobrang vitamin C ay puwedeng magdulot ng kidney­ stones. At ang kidney stones naman ay puwedeng umabot sa kidney failure kapag hindi naagapan.

9—Magtanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot. Magpa-check ng ihi (urinalysis) at dugo (CBC, BUN at creatinine) at kumunsulta sa doktor.

Show comments