^

PSN Opinyon

Oktubre 5: World Teachers Day

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LUMIHAM ang guro sa ina ng batang estudyante: “Mahal na Magulang, Medyo hindi maganda ang amoy ni Norman­. Sana paliguan niyo siya bago pumasok.” Sumagot ang magulang: “Ginagalang Kong Titser, Turuan mo ang anak ko. Huwag mo na lang siya amuyin.”

Sa totoo lang ang titser ay pangalawang magulang. Hindi lang leksiyon ng mag-aaral ang inaasikaso niya, kundi kabuuan ng pagkatao. Kaya sinisikap niyang mapabuti ang kalagayan, kalusugan at kaisipan ng bata. Kung minsan nga nagiging hingahan siya ng bata sa personal na problema, at tagapayo pati sa love life kung nakaka-sagabal sa pag-aaral.

“Bakit ka late sa klase, Eddie?” nag-alala ang maestra­. “Kasi po nag-aaway ang mga magulang ko,” buntong hininga ng bata. “O, sila pala ang nag-aaway, paano ka nahuli nang pasok?” nagtaka si Ma’am. Mabilis ang paliwanag ng bata: “’Yung isang sapatos ko nasa kamay ni Nanay, at ‘yung isa ay nasa kamay ni Tatay.”

Ang guro inaasahang darating sa klase miski literal na kailangan muna tumawid ng ilog o bundok. Tapat siya sa tungkulin. Alam niyang umaasa sa kanya ang mga bata at magulang. Ang masaklap, malimit ay abonado pa ang guro sa pagpapa-mimeograph o photocopy ng leksiyon. Tapos atrasado pa ang sahod at mga benepisyo nila, tulad ng uniporme.

“Tatay, muntik na ako mag-first honor kanina,” hinihi­ngal na kuwento ni Ramon. “O, e bakit muntik lang?” excited na usisa ng ama. Sagot ng anak: “Tinapik ni Teacher ang katabi ko sa klase at sinabing siya ang first honor. Daplis lang, pero muntik na ako.”

Talagang para sa bata anomang sabihin ng guro ay batas.

Sabi ng English teacher, “Class, you are not allowed to speak Tagalog here.” Sigaw ng bata, “Yes, Ma’am.” Natuwa si teacher, “What is your name, young man?” Sagot ng bata: “My name is Earlyseven Neverbroke. Ma’am, that’s English for Agapito Dimagiba.”

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

WORLD TEACHERS DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with