DAHIL sa banta ng Delta variant malalagay na naman sa super higpit ang kalakaran sa Metro Manila at kalapit na lalawigan. ipinag-utos ni DILG Sec. Eduardo Ano sa PNP ang paglalagay ng checkpoint sa mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng National Capital Region (NCR). Agad namang ipinag-utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ipatupad ang paglalatag ng checkpoint at pairalin ang maximum tolerance.
Kaya maghanda na ang motorista sa pagsisikip ng trapiko. Magdala ng mga dokumento upang hindi na matagalan sa pagsusuri ng mga pulis. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsasakay ng mga kabataan at senior citizens. Bawat bayan o lungsod na daraanan ay may kanya-kanyang pinaiiral na health protocols. Ang tanging papayagan lamang na makapaglakbay ay ang essential persons.
Ang ipinatutupad na paghihigpit ay upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng Delta variant. Ayon sa Octa Research Group, aabot sa 30,000 ang kaso sa Setyembre kung patuloy na magmamatigas ang ulo ng mga kababayan at hindi susunod sa health protocols.
Dapat namang bilisan ang pagbabakuna sa mamamayan para may proteksiyon sa Delta variant ang mamamayan. Marami ang gustong magpabakuna pero ang problema ay kulang ang suplay ng bakuna. Maraming pumipila pero hindi umaabot sa quota.
Samantala, 143 kilo ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkasunod na buy-bust operation sa Paso de Blas, Valenzuela City kamakailan.
Nahuli kay Joseph Dy, isang Chinese national ang 15 kilo ng shabu sa inuupahang bahay nito sa 42, Paso de Blas. Tikom ang bibig ni Dy kung sino ang source ng droga. Dapat i-firing squad si Dy upang di na pamamarisan.
Nakasamsam din ang PDEA ng 127 kilong shabu na may street value na P863 milyon sa Novaliches, Quezon City kamakaian kung saan tatlong Chinese din ang nahuli.
Masuwerte ang mga hinayupak na Chinese dahil buhay pa sila makaraang makumpiskahan ng droga. Kung nagkataon na mga ordinaryong mamamayan ang mga ito, tiyak nangamatay na. Dapat i-firing squad ang mga drug traffickers na Chinese.