^

PSN Opinyon

Simple at marangal

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula sa isang simple at marangal na ideya. “Magbigay ayon sa kakayanan, kumuha batay sa pangangaila-ngan.” At diyan nagsimula ang unang community pantry sa bansa. At dahil sa napakadakila ng pamamaraan para makatulong sa kapwa na nalulunod na sa kahirapan dulot ng pandemya, nag-usbungan sa lahat ng panig ng bansa ang mga community pantry.

At ngayon, pati sa East Timor ay nagtayo na rin ng kanilang unang community pantry dahil sa inspirasyon na dulot ng ideya ni Ana Patricia Non. At ano ang unang inisip ng dalawang opisyal ng NTF-ELCAC? Mga komunista ang mga ito at kailangang imbestigahan.

Sa laki na nga ng community pantry sa Maginhawa kung saan sa Philcoa na umaabot ang pila ng tao, minabuti nilang gawing bagsakan na lang ng donasyon ito at sila na ang mamamahagi sa iba’t ibang barangay sa Diliman para hindi na rin mahirapan ang taong pumila.

Maiiwasan na rin ang ilang abusado sa mga pantries kung saan kinukuha lahat nang nasa lalagyan. Nagpapasalamat na rin ako sa lahat ng nagbigay ng kahit anong klaseng tulong sa mga community pantries. Maraming klaseng tulong na nga ang ibinigay, hindi lang pagkain. May mga ilang gimik at patawa pa.

Mabanggit ko na rin ang tulong na ibinigay ng pulis sa Sampaloc sa mga tricycle at jeepney driver kung saan sinagot nila ang kanilang boundary. Totoo nga na mas mabiyaya sila dahil kahit sa panahon ng pandemya hindi sila nawalan ng trabaho o sahod. Kaya ang kanilang tulong ay siguradong ikatutuwa ng mga makakatanggap. Ganito ang mga balita na gusto nating marinig kapag pulis ang pinag-uusapan. Mabuhay po kayo!

Nakita muli ng buong mundo ang bayanihan ng Pilipino. Diwa na hindi kayang takutin ninoman. Mabuti na lang at pinatahimik na ang dalawang opisyal na nais masamain lang ang intensyon ng community pantry. Malaya na sila para makatulong sa mga nangangailangan. Ipinagbawal na rin ng DILG ang maglagay ng mga pangalan ng pulitiko sa mga community pantries para hindi pagsamantalahan ng mga epal. Tama lang. May mga pulitiko na hindi matiis ang hindi makita ang pangalan kung saan-saan. Inaasahan ng lahat ang pagpapatuloy ng mga community pantries. Dahil mga donasyon ito, sana ay hindi tumigil ang pamimigay.

IDEYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with