^

PSN Opinyon

Panic sa alak

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Ang haba ng pila sa mga groceries at supermarkets dito simula noong Huwebes ng hapon kung kailan dineklara ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang Executive Order No. 57 kung saan isinasaad ang 24-hour liquor ban simula Nobyembre 2 hanggang Disyembre 31.

Akala mo ba naman ay basic necessities gaya ng bigas o pagkain ang pinipilahan at nag-panic buying pala ng alak na maiinom. Hayun boxes at boxes ng nga inumin ang pinamili na akala mo mauubusan ang mundo ng maiinom.

Ito kasi ang masaklap sa mga umiinom, paano na lang ang kanilang Pasko at New Year nito dito sa Davao e 24-hour liquor ban nga.

Ibig sabihin hindi lang bawal ang inuman sa public places ngunit bawal din ang pagbebenta nito ayon sa EO 57.

Ayon kay Mayor Sara, ito ay dahil napag-alaman na ang pag-taas ng bilang ng bagong COVID-19 cases dito sa Davao City ay dahil nga raw sa mga walang humpay na inumang nagaganap sa mga parties o di kaya’y sa mga kalsada kasama ang mga barkada. At hayun, nagkahawaan ng COVID-19.

At heto pa, bukod sa 24-hour liquor ban, pinaiiral din dito ang 7:00 p.m, to 5:00 a.m. curfew hours. Bawal nang lumabas pagsapit ng alas siyete ng gabi.

Ang curfew at liquor ban dito ay sabay na hanggang Disyembre 31.

Sabayan pa ‘yan ng aming matagal nang ban sa firecrackers at fireworks. Umabot na ng 15 taon ang pagpapatupad ng firecrackers.

May smoking ban din kami rito sa Davao CIty.

Sanay na rin kami sa Silent Night, Holy Night na Pasko at Bagong Taon na nagresulta naman sa zero-injury taun-taon.

Sanayan lang yan. hayan at Pasko na sa susunod na buwan.

BASIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with