^

PSN Opinyon

Ibinalik na ang GMRC

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na ibinalik na ang Good Manners and Right Conduct (GMRC). Magiging kabahagi na itong muli ng kurikulum mula Grade 1 hanggang Grade 12.

Karamihan sa mga magulang, sinasabi na ang mga kabataan ngayon ay dispalinghado ang pag-iisip at pa-nanaw. Dispalinghado ang pag-iisip at pag-aasta.

Kapag daw kasi tinuruan mo ang mga kabataan ngayon, aba’y takbo agad sa social media. Parang mga keyboard warrior na inilalabas ang anumang nararamdaman sa pagpo-post.

May ilan pa, mga politically correct na sa kanilang mga bubot na kaisipan. Maganda at mali ang ideyalidad, subalit hindi nagtutugma sa reyalidad ng buhay.

Ang ipinaglalaban, malayo pa sa katotohanan at kung tutuusin, marami pang dapat malaman at intindihin sa mundo.

Ganito na ang karamihan sa kanila, “may sarili akong pag-iisip” at “may karapatan ako sa aking mga sinasabi at inaasta.”

Kaya nga ang social media para sa mga kabataan ngayon, ito na yata ang slogan: “my rules, my way, no other way!”

Gusto ko tuloy isipin, noong 2013, panahon ng mga dilawan nang tinanggal ang GMRC at pinalitan ng Edukasyon Sa Pagpapakatao (ESP). Katunog ng KSP (kulang sa pansin) ano?

Kaso n’yo, hindi sapat ang ESP. At siguro mababago ‘yan ng ating Good Manners and Right Conduct. Maibalik ang totoo at tamang kultura’t pag-uugali bilang mamamayang Pilipino.

Kaakibat niyan at ang mas importante, gabay at turo mismo ng magulang.

Tandaan, hindi manganganak ng pato ang tsonggo!

GMRC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with