^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sana magtagumpay ang Balik Probinsiya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sana magtagumpay ang Balik Probinsiya

Siksikan na ang mga tao sa Metro Manila at habang tumatagal, lalo pang dumarami. Walang tigil ang paghugos ng mga tao sa siyudad at iniiwan ang lalawigan kung saan ay mas mayroon silang kinabukasan at maliit ang tsansang magutom. Pero dahil maraming nagkikislapang bituin at masaya ang Metro Manila, dito nila gustong manirahan, sa kabila na wala naman silang matitirahan at makukuhang tra­­baho. “Bahala na” ang baong salita nang marami nang lumuwas sa Maynila para makipagsapalaran. Dahil sa “bahala na” dumami ang mga tao sa Metro Manila at sa kasalukuyan, problema sila ng gobyerno.

Nakakalula ang dami ng tao sa Metro Manila at malinaw itong nakita sa pamamahagi ng ayuda at relief goods mula nang manalasa ang COVID-19. Naging sentro nang nakamamatay na virus ang Metro. Dito nagsimula ang unang kaso at kumalat na hanggang sa umabot sa mahigit 14,000. Nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro at matatapos sa Mayo 31.

Ang sobrang dami ng tao sa Metro Manila ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya nilagdaan ni President Duterte noong nakaraang Mayo 6 ang Exe­cutive Order No. 114 na nagtatatag sa Balik Pro­binsiya Program. Sa pamamagitan ng programang ito, hinihikayat ang mga nasa Metro Manila na magbalik probinsiya sapagkat doon maraming oportunidad. Mas malaki ang pagkakataon na mapaunlad ang sarili at kanilang pamilya.

Sa ilalim ng Balik Probinsiya, tutulungan ang mga tao na magkaroon ng sariling bahay at lupa na pagtataniman. Pagkakalooban din sila ng tulong pinansiyal o puhunan. Sinabi ni Balik Probinsiya Executive Director Jun Escalada, mayroon nang 5,000 tao ang may interest na magbalik sa probinsiya. Nagsimula na umano sila ng online application noong nakaraang Biyernes at 5,000 na ang nag-enroll. Ayon kay Escalada, puwedeng mag-enroll sa website balik­probinsiya.ph.

Maganda ang programang ito at sana’y magtagumpay. Hindi sana ito katulad ng ibang programa na inire-relocate lang ang mga tao sa probinsiya at pagkatapos ay iiwanan nang nakanganga. Dapat ding maging mapanuri sa mga mag-aaplay at baka ang hangad lang ay cash at kapag naubos na, susugod uli sa Maynila para maging iskuwater.

Nararapat na kakaiba at makatotohanan ang programang ito para wala nang babalik sa lungsod. Masyado nang masikip ang Metro Manila.

BALIK PROBINSYA PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with