^

PSN Opinyon

Mediterranean diet bakit dinarakila ng UNESCO

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang “Mediterranean diet” ay pagkain ng mga sinaunang naninirahan sa paligid ng Mediterranean Sea. Nababalot ito sa kaalaman at paraan ng pagsasaka at pagpapastol na segun sa pagpalit ng mga panahon, sa mabubuting tra­dis­yon, at sa malinis na paghahanda ng kakainin. Tinuturing itong isa sa pinakamalusog na pagkain, at magaan ang epekto sa kalikasan. Mabuti na sa katawan, mabuti rin sa planeta. Kaya dinakila ito ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization nitong dekada na “Cultural Heritage of Humanity”.

Nabuo ang Mediterranean diet ng mga ninuno sa Greece, Italy, France, Spain, at ilang bahagi ng Middle East at North Africa. Isinalin sa mga tribo at henerasyon ang galing sa paghahalaman at paghahayop batay sa natural na liwanag, patubig at pataba, pati tamang panahon ng pagpupunla, pag-ani, pangingisda, at pagpapalahi ng pinapastol. Meron silang katangi-tanging mga ritwal at simbulo, tulad ng lubos na pagpapadugo sa kinatay na alagaing hayop, pag-aayuno at pangingilin, sariwang gulay at prutas, at paglutong-pugon o nilaga. Salu-salo ang pag-iimbak, paghahanda, pagluluto at pagkain. Ang Mediterranean diet ay samu’t saring kultura ng bigayan, kapitbahayan, at selebrasyon. Maari itong isang­kap sa kaugalian at sa “Bahay Kubo” na pagkaing Pilipino.

Para iwas diabetes, obesity, high blood, cholesterol, bara sa ugat:

l Dalasan at damihan ang gulay, beans, lentils, prutas at cereals;

l Medium-high sa kain ng isda;

l Bawasan o iwasan ang karne at saturated fat (butter, taba ng hayop, egg yolk, mantika);

l Bumago sa o gumamit ng unsaturated fat, lalo na olive oil;

l Medium-low sa dairy products, kalimitan yogurt at keso; at

l Hinay-hinay sa wine.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MEDITERRANEAN DIET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with