^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Daming traysikel sa main road

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Daming traysikel sa main road

MARAMI nang nangyaring aksidente sa kalsada na ang sangkot ay mga traysikel, pedicab, kuliglig o ang tinatawag na habal-habal. Kara­niwang naba­bangga sila nang mabibilis na sasakyan­ o kaya’y sila mismo ang bumabangga dahil sa pagmamadali. At madugo ang aksidente sapagkat nama­matay ang pasahero dahil tumitilapon. Marami nang nangyaring ganito sa buong bansa.

Sa Metro Manila karaniwan na lamang na maki­kita ang pagyaot ng mga traysikel o pedicab at iba pang tatlong gulong na sasakyan sa mga pangunahing lansa­ngan. At walang sumasaway sa kanila. Hinahayaan kahit bawal ang mga ganitong sa­sakyan.

Sa kahabaan ng Roxas Boulevard, karaniwang makikita lalo sa gabi ang mga pumapasadang tray­sikel at habal-habal. Karamihan sa mga ito ay may kargang panindang gulay na nagmula sa Divisoria. Mayroong ang karga ay kinatay na baboy at ide­deliber sa kung saang palengke.

Sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue mula May­nila hanggang Balintawak, Quezon City, mas marami­ ang pumapasadang traysikel na may kargang gulay at karne. Ang iba may kargang semento at bakal.

Ganito rin ang senaryo sa kahabaan ng Quirino Highway sa Quezon City. Nagkakarera pa ang mga tray­sikel lalo na sa gabi. Lubhang delikado sa nasabing high­way sapagkat maraming ten-wheeler truck at bus na dumadaan doon.

Matagal nang may kautusan na nagbabawal sa pag­papasada ng mga traysikel, at iba pang tatlo ang gulong sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa. Kabilang ito sa mga ordi­nansa ng bayan at lungsod. Pero hindi­ naipatutupad ang ordinansa. Sa umpisa lang nag­hi­higpit. Ningas-kugon lang.

Sinabi kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na oobligahin nila ang LGUs na ipatupad ang ordinansa na nagbabawal sa mga traysikel at kauri na pumasada sa major roads. Ito ayon sa DILG ay para maiwasan ang mga aksidenteng kinasa­sangkutan ng mga nabanggit. Ayon pa sa DILG, bagama’t ang hangarin ng mga traysikel drayber ay makapaghanapbuhay para sa pamilya, hindi naman dapat nila ilagay sa panganib ang sariling buhay at ang iba pa. Mas maha­laga anila ang kaligtasan ng bawat isa.

Sana, maipatupad ito ng DILG at hindi pawang banta lang. Kailangang mawala o walisin ang mga traysikel at mga kauri nito sa mga pangunahing kalsada. Mapanganib ang kanilang ginagawa.

TRAYSIKEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with