^

PSN Opinyon

Maging handa

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Kahit sa Middle East nangyari ang drone attack ng United States na ikinamatay ni Iranian General Qassem Soleimani, chief of Tehran’s elite force, hindi malayong magkakaroon ng kahit paano’y kaunting kaguluhan din dito sa ating bansa bunsod ng pangyayari.

Ang strike ay ipinag-utos ni US President Donald Trump noong Biyernes. Dahil sa nangyari, nariyan ang pangamba ng retaliatory attacks ng Iran at Iraq laban sa US. Kasabay na rin ang mga kaalyado ng mga ito.

Pinayuhan na ng US Embassy sa Baghdad ang lahat ng American citizens sa Iraq na agarang umalis doon.

Tiyak paiigtinging maigi ng ating security forces ang pagbabantay sa lahat ng panig ng bansa lalo na sa patuloy na problema sa katimugan dahil nga sa ISIS-affiliated local groups. 

Hindi naman masama kung tayo ay maging handa at mapagmatyag din sa ating kapaligiran.

Maging handa rin tayo sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng panibagong kaguluhang ito. 

Kaya lahat ay nakaabang sa anumang mangyayari sa mga susunod na araw.

DONALD TRUMP

QASSEM SOLEIMANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with