^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paigtingin, batas vs vandals

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Paigtingin, batas vs vandals

HINDI lang ang Lacson underpass sa Maynila ang sinasalaula ng vandals, kundi pati na rin ang iba pang istruktura sa maraming lugar sa Metro Manila. Pati ang mga footbridge, pader ng school, tulay ay sinusulatan ng kung anu-ano. Karaniwang mga sinusulat ay mga salitang laban sa gobyerno at mga salitang may kaugnayan sa fraternity. Napakapangit tingnan ng pader na sinulatan gamit ang kulay pula o itim na pintura.

Ganyan ang ginawa sa Lacson underpass noong nakaraang linggo. Bagong pintura ang pader at ma­kintab ang tiles. Kaaya-ayang dumaan doon. Iprin­i­sinta pa ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang bagong underpass na bagong linis, malinis at maliwanag. Ayon sa mayor, pinagtulu­ngan itong linisin ng mga empleyado ng city hall at engineering office. Pinagtiyagaang kaskasin at binugahan ng tubig ang malibag na pader at flooring para masiyahan ang sinumang dadaan. Karaniwang mga estudyante at empleyado ang nagdadaan sa un­derpass.

Pero makalipas ang isang linggo, ang malinis na pader ay biglang naging marusing. Ang dating makintab na tiles ay naging marumi na naman dahil sa vandalism. Maraming sulat ang pader. Pulang pintura ang ginamit sa pagsusulat.

Mababasa ang mga nakasulat: PRESYO, IBABA, SAHOD ITAAS; DIGMAANG BAYAN, SAGOT SA MARTIAL LAW; ATIN ANG PINAS, CHINA LAYAS!’’

Halatang ang nagsulat ay mga makakaliwa base sa mensahe at sa kulay ng pintura na ginamit. Pag­laban sa gobyerno ang mensahe at gusto’y magkaroon ng pagbabago.

Hindi lamang sa Lacson underpass makikita ang mga katulad na sulat kundi pati na rin sa Quezon Bridge. Bagong pintura rin ang tulay pero sinulatan ng pula. Napakapangit at napakaruming tingnan. Pininturahan muli ang tulay. Sabi ni Mayor Isko, kapag nahuli niya ang mga nagsusulat sa pader sa Maynila, ipadidila niya sa mga ito ang sinulat.

May ordinansa ang bawat lungsod at bayan laban­ sa vandalism at may katapat na kaparusahan. Dapat paigtingin ang ordinansa. Lagyan ng CCTV ang mga lugar para mahuli ang vandals at maparusahan ang mga ito. Pakilusin din ang pulis at mga barangay tanod laban sa bandalismo.

VANDALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with