ANO ang nangyari sa ipinanukala tungkol sa car brand coding para mabawasan ang grabeng traffic sa EDSA at karatig pook, bakit hindi pa ito bigyang importansya para ma-trial kung magiging epektibo ba o hindi.
Ano ang inaantay ng mga bright sa gobierno, papasok na ang Christmas season kaya lalong dadagsain ng mga sasakyan ang Metro Manila lalo na ang Edsa dahil nga dito nakatirik ang mga dambuhalang malls.
Sabi sa proposal, ang mga vehicle brands na ipagbabawal sa EDSA ay ang mga sumusunod
• Monday - Toyota
• Tuesday - Mitsubishi, Hyundai, Isuzu
• Wednesday - Nissan, Ford,
• Thursday - Honda, Chevrolet, Mazda, Subaru
• Friday - Suzuki, Kia at lahat ng mga imported vehicles,
Ang coding sa bawat car model ay dapat din baguhin kada anim na buwan.
Ang problema lang ay ang mga motorsiklo na dapat ay number coding pero karamihan sa kanila ay wala pang mga plaka kaya nakakalusot sa mga huhuli.
Ang mga pampublikong sasakyan ay dapat ituloy ang pagpapatupad ng color coding.
Marami ang nagbigay ng panukala kaya naman pag-aralan ito dapat ng mga bright sa gobierno kung ano ang makakaganda sa madlang public na gagamitin nila.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
* * *
SANGKATERBA ang mananagot sa mga nangyaring katiwalian sa BuCor.
Sabi nga, crying like a cow ang mayayari.
Ika nga, hindi biro ang mapaparusahan.
Beh, buti nga! Abangan,