Mabahong hininga sa umaga

ANG bibig ay naglalaman ng napakaraming bilang ng bakterya.

Maaaring mayroong 80-100 na bilang ng iba’t ibang uri ng mikrobyo sa bibig ng mga tao.

Ang laway ay nag-aalis ng mga particle ng pagkain sa bibig. Ang kaunting produksyon ng laway ay isang dahilan­ para ang bakterya ay dumami at makagawa ng sulfur compounds (VSCs) na dahilan para bumaho ang hininga.

Ang iyong laway ay may dalawang tungkulin.

Una, ay naghuhugas ng bakterya at pangalawa, nag­lalaman ng antibodies at iba pang kemikal – lactoferrin, na pinipigilan ang pagdami ng mga bakterya.

Kaya sa gabi, mas kaunti ang laway sa bibig at nanu­nuyo, kaya ang mga mikrobyo ay mas dumami sa gabi.

Ang paraan ng pagtulog ay puwede ring makaapekto sa mabahong hininga sa umaga.

Ang pag-hilik o paghinga sa bibig sa gabi ay nakaka­dagdag ng posibilidad ng mabahong hininga.

Karamihan sa mga mouth breathers ay natutulog na bukas ang bibig, nagiging dahilan para ang bibig ay ma­nuyo at lalo pang dumami ang bakterya.

Ang iba pang sanhi ng masamang hininga ay ang sirang ngipin, namamagang gilagid at kulang sa pag-sipilyo.

Tips para mabawasan ang mabahong hininga sa umaga.

Gawin ito bago matulog:

1. Magsipilyo

2. Mag-flossing

3. Maglinis ng dila gamit ang tongue cleaner o toothbrush.

Ito ay tumutulong sa paglilinis ng bibig at pag-alis ng mga particle ng pagkain upang ang bakterya ay hindi dumami.

Show comments