^

PSN Opinyon

Marami pang bansang nilusob ang China noon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PAULIT-ULIT ang mga propagandista na kakaibang superpower ang China dahil wala itong nilusob na bansa. Taliwas ‘yan sa kasaysayan. Inihalimbawa ko kahapon ang naudlot na paglupig ni Kublai Khan (Yuan Dynasty) sa Java nu’ng 1293. Natalo nga lang sila ng mga Malay.

Maraming Chinese dynasties ang lumusob sa Vietnam at nilupig ito nang 1,000 taon. Pinatalsik sila ng Vietnamese­ taong 938 sa Labanan sa Bach. Muling sinakop ng Ming Dynasty ang Vietnam nang 1,000 taon, hanggang mapalayas ng rebelyon. Nu’ng 1978 natalo muli ng Vietnam ang mga manlulupig na komunistang Chinese; lasog ang army ng huli.

Sinakop ng Ming Dynasty ang Myanmar. Apat na beses­ din ito tinangka ng Qing Dynasty, pero pinaatras ang Chinese.

Dalawang beses nag-engkuwentro militar ang India at China­ nitong nakaraang siglo. Parehong sinimulan ng China ang Sino Indian War at pag-agaw ng teritoryo sa labanan sa Nathu La at Cho La.

Maraming beses nilusob ng China ang Korea. Una nu’ng gawing teritoryo ng Han Dynasty ang hilagang Korea. Huli nu’ng dekada 1950, nu’ng lumusob ang mga komunistang Chinese sa hilagang Korea at napalaban sa United Nations forces. Nauwi ito sa paghati sa peninsula sa dalawang bansa­, North at South Korea.

Nu’ng 1274 at 1281 tinangka ng China na sakupin ang Japan. Sa parehong pagtawid-dagat dinurog ng bagyo ang Chinese fleet. Parehong beses nakaabot pa rin ang Chinese sa lupaing Japan, pero hindi mapasok ang depensa. Sa parehong beses lasog ang mga manlulupig na Chinese.

Nu’ng 1910 sinakop ng Qing Dynasty ang 1,200-taong Tibet Empire. Napalayas sila nu’ng 1911 at naging pinuno ng Tibet ang Dalai Lama. Nu’ng 1950 muling sinakop ng mga komunistang Chinese ang Tibet. Ginawa itong probinsya ng China, at in-exile ang Dalai Lama.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CHINESE DYNASTIES

KUBLAI KHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with