^

PSN Opinyon

Ang Batangas sa ilalim ni Mandanas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

GUMUHIT ng kasaysayan si Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas sa nakalipas na halalan matapos makakuha nang mahigit isang milyong boto. Tanging si Mandanas ang nakakuha ng ganito karaming boto sa lahat ng mga nagwaging governor sa bansa.

Ito ang ikalawang termino ni Mandanas bilang governor. Naging gobernador at kongresista si Mandanas noon ng tatlong termino. Patunay na mahal siya mga Batangueño. Sa haba ng kanyang panunungkulan, wala ni isang bahid ng korapsiyon ang naiparatang sa kanya.

Alam naman kasi sa buong Batangas na si Mandanas ay makadiyos at makatao. Katunayan isa si Mandanas na nagsulong sa pagtatayo ng Montemaria Resort sa Batangas City, isang proyektong alay niya kay Mama Mary.

Bakasyunan ang Montemaria at doon ay maaring magdasal ng tauspuso habang nag-e-enjoy sa mga pasilidad nito. Makatao si Mandanas. Katunayan, ngayong taon, siya ay may 25,000 scholars sa mga kole­hiyo sa Batangas.

Sa paniniwala kasi ni Mandanas na ang batang edukado ang magtutuloy sa progreso na natatamo ng probinsiya ngayon. Napakalaki at napakabilis ng pag-asenso ng Batangas sa administrasyon ni Mandanas. Kasi naman nakumbinsi ang mga malalaking negosyante na magtayo ng negosyo sa naturang lalawigan dahil malawak pa ang mga lupain doon na puwedeng tayuan ng mga planta at iba pang establisimento.

Malaking bagay ito sa ekonomiya ng Batangas at bukod pa riyan mabibigyan ng hanapbuhay ang mga mamamayan doon. Kaya ang pagyabong ng Batangas ay kasama na rin ang pag-angat ng kabuhayan ng mga Batangueño. Palibhasa nga’y bawal ang korapsiyon sa sa kanyang administrasyon. Makasaysayan din ang dami ng pumasok na dayuhang investors sa Batangas. Tuloy, itinatala ng mga ekonomista ang Batangas bilang ikalawang Metro Manila.

HERMILANDO MANDANAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with