^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming bata ang hindi nababakunahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming bata ang hindi nababakunahan

AYON sa report ng United Nations Children Fund (UNICEF), 2.9 milyong batang Pinoy ang hindi nababakunahan. Dahil dito, posible silang magkasakit nang malubha gaya ng tigdas na nanalasa sa bansa mula pa noong nakaraang taon at nagpapatuloy hanggang ngayon. Bukod sa tigdas, dumarami rin ang nagkaka-dengue. Kinatatakutan din ang pagkakaroon ng polio at rubella dahil sa kawalan ng bakuna.

Ayon sa UNICEF, bumaba ang bilang ng mga batang nabakunahan sa tigdas mula 88 percent noong 2013 ay naging 73 percent na lamang noong 2017. Noong nakaraang taon, muli pang bumaba ang mga nagpabakuna laban sa tigdas at umabot na lamang sa 70 percent.

Mula Enero ng kasalukuyang taon, naitala ang 30,000 kaso ng tigdas sa buong bansa at 389 bata ang namatay sa sakit. Ayon sa health experts, kung nabakunahan lamang ang mga bata laban sa tigdas, maaaring napigilan ang pagkamatay ng mga ito.

Ayon sa UNICEF, maraming dahilan kung bakit hindi nababakunahan ang mga bata: 1) natatakot ang publiko; 2) kawalan ng stock ng mga pambakuna; 3) kawalan ng mga trained health workers; at 4) malayo ang lugar ng mga bata at hindi na mapuntahan ng mga health workers.

Sa aming palagay, nakadagdag sa problema ang pagkatakot sa dengue vaccine kung saan naiulat na maraming bata na nabakunahan ng Dengvaxia noong 2016 ang namatay. Nagkaroon ng dengue immunization kung saan maraming school children ang binakunahan ng Dengvaxia. Subalit lumabas ang mga balitang may mga namatay makaraang mabakunahan. Inamin ng Sanofi Pasteur, maker ng Dengvaxia noong Nobyembre 2016 na dapat ang mabakunahan lamang ay ang mga nagka-dengue na. Magkakaroon ng serious problem kapag naisaksak ang Dengvaxia sa hindi pa nagkaka-dengue. Dahil sa kontroberisya ng Dengvaxia, maraming magulang ang natakot pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ang agarang pagkilos ng Department of Health (DOH) ang kailangan para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak lalo na sa tigdas na marami na ang namatay. Walang ibang paraan para mailigtas ang mga bata sa pagkakasakit kundi ang pagpapabakuna.

BATANG PINOY

CHILDREN

UNITED NATIONS CHILDREN FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with