^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung kailan tigang na ang La Mesa…

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Kung kailan tigang na ang La Mesa…

KAHAPON, lalo pang bumaba ang level ng tubig sa La Mesa Dam na umabot na sa 68.74 meters. Habang pababa nang pababa ang level, marami namang residente na apektado ng water interruption ang nagpa-panic at hindi maiwasang magalit sapagkat ilang araw na silang walang tubig. Sinisisi nila ang Manila Water sa nangyayaring krisis. Bakit daw nangyari ito? Bakit ang Maynilad ay hindi naman nangyayari ang kakapusan sa tubig.

Hindi lamang ang Manila Water ang dapat bun­tunan ng sisi kung bakit nagkaroon ng krisis­ sa suplay ng tubig. Dapat ding sisihin ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sapagkat kung kailan matutuyo na ang La Mesa Dam saka lamang kumikilos at nag-iisip ng paraan. Ang tubig na nakaimbak sa La Mesa ang pinagkukunan ng tubig na isinusuplay naman ng Manila Water sa mga residente ng Metro Manila. Nagmula naman sa Angat Dam sa Bulacan ang tubig na dumadaloy sa La Mesa.

Madali namang malalaman kung nababawasan ang tubig sa La Mesa dahil may sukat ito at walang ibang nakaaalam nito kundi ang MWSS na may saklaw ng sistema sa operasyon ng water concessionaires. Enero pa lamang nag-anunsiyo na ang PAGASA na maaaring manalasa ang El Niño sa bansa at maa­aring tumagal ito ng ilang buwan. Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang pag-init ng temperature ng karagatan sa central at eastern equatorial Pacific na magdudulot ng grabeng tagtuyot sa rehiyon sa Pacific. Huling nanalasa ang El Niño noong 1997 at 1998, kung saan dumanas din ng kakapusan sa pagkain at tubig. Mahigit 70 percent ng bansa ang nakaranas ng grabeng tagtuyot.

Ngayon ay dumaranas na naman ang bansa ng tagtuyot at umeepekto na sa mga imbakan ng tubig gaya ng La Mesa. Kung nakagawa agad ng paraan ang MWSS, Manila Water at iba pang may awtoridad dito, tiyak na hindi sasapitin ang kakapusan sa tubig.

Tinitingnan naman ng pamahalaan ang construction ng Kaliwa Dam project sa Quezon na maaaring pagkunan ng tubig at makapag-supply sa Metro Manila. Matagal na umano ang proyektong ito pero natigil dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Sa nangyayaring kakapusan ng tubig, nararapat na talagang mayroong iba pang pagkukunan at hindi­ lamang nakadepende sa La Mesa at Angat Dam. Kung ang Kaliwa Dam sa Quezon ang sagot, bakit hindi umpisahan ang konstruksiyon. Huwag na sanang maulit na kung kailan tigang na ang pinagkukunan, saka lamang kikilos.

LA MESA DAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with